^

Punto Mo

EDITORYAL – Direktiba sa mga ‘heavyweight’ na pulis, isakatuparan

Pang-masa
EDITORYAL � Direktiba sa mga �heavyweight� na pulis, isakatuparan

NOONG hindi pa permanenteng nakaupo bilang Philippine National Police (PNP) chief si Lt. General Archie Gamboa, isang direktiba ang kanyang ipinag-utos na dapat magbawas ng timbang ang mga pulis sapagkat isa ito sa pagbabasehan para makakuha ng promosyon. Ginawa niya ang kautusan isang linggo bago ang sorpresang pagtatalaga sa kanya sa puwesto ni President Duterte. Tatlong buwan na naging officer-in-charge ng PNP si Gamboa makaraang magretiro si dating PNP chief General Oscar Albayalde.

Sa direktiba ni Gamboa, bago mabigyan ng promotion ang pulis, kailangan ang kanyang timbang ay naaayon o naaakma sa body mass index (BMI). Sa BMI dapat umaakma ang height sa weight ng tao. Ang resulta ng BMI ang magde-determine kung maaaring ma-promote ang pulis o hindi.

Ayon kay Gamboa, ang pagiging fit ng mga pulis ang pinakamahalagang requirements para maka­akyat sa promosyon. Bagama’t mahalaga rin ang pag-aaral o schooling ng pulis, mas malaking puntos kung fit na fit ang pangangatawan ng mga ito. Ayon sa PNP chief, nararapat na physically at mentally fit ang mga pulis.

Kapansin-pansin na maraming pulis ang overweight. Hindi lang ang pangkaraniwang pulis kundi marami rin ang mga police official o matataas ang ranggo. Dapat ipasunod ito ni Gamboa, hindi lamang sa mga may mababa ang ranggo kundi pati na rin sa mga matataas. Dito masusubok kung kayang pasunurin ni Gamboa ang mga matataas na “biga­ting” pulis.

Kahit hindi kailangan sa promotion ang pagpapapayat ng mga pulis, kailangan naman talaga na fit na fit sila sapagkat ang kanilang propesyon ay para pagsilbihan at proteksiyunan ang mamamayan. Paano mapagsisilbihan ang mamamayan kung ang pulis ay hindi makakilos nang maayos dahil overweight? Paano sila makakahabol sa mga criminal kung mabigat ang timbang?

Nararapat ipatupad ni Gamboa ang direktiba. Hindi dapat mauwi sa ningas-kugon (na naman) ang kautusang ito. Kailangang ma-trim down ang mga bigating pulis.

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with