^

Punto Mo

Villagers sa India, nag-ambag-ambag para makapagpagawa ng sariling train station

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

WALANG train station sa isang village sa Tajnagar, India kaya kailangan pa ng mga residente na maglakad ng limang kilometro para makarating sa pinakamalapit na train station at doon makasakay.

Ang mga empleyado sa opisina, trabahador at estudyante ay madalas na late sa kanilang trabaho at school.

Ang masaklap pa, pagdating nila sa station ay punumpuno na ng mga tao at halos magbalyahan para lamang makasakay sa train.

Hirap na hirap ang mga taga-Tajnagar at pakiramdam nila, pinabayaan na sila ng railway company na nag-o-operate sa train.

Ayon sa villagers, 1982 pa sila nagrereklamo sa railway company para malagyan sila ng station. Pero sabi ng mga opisyal, walang pondo para sa pagpapagawa ng bagong station. Isa pa, meron pa raw silang mas malaking problema na dapat asikasuhin kaysa sa pagpapagawa ng bagong station.

Dahil hirap na hirap na ang villagers, isang paraan ang kanilang naisip para matupad ang kanilang pangarap na station. Nagpasya silang magkontribusyon o mag-ambag-ambag ng pera para may maipagpagawa ng station. Kung ano ang kayang iambag ay tatanggapin.

Hanggang makalikom sila ng 2,080,786 rupees (katumbas ng $45,000).

Kinontak nila ang mga opisyal ng railway at sinabing mayroon na silang pera sa pagpapagawa ng station. Pumayag ang mga opisyal. Sinimulan ang construction ng train station.

Pagkalipas ng isang taon, natapos ang station.

Tuwang-tuwa ang villagers. Hindi na sila maglalakbay nang malayo para makasakay ng train.

vuukle comment

TAJNAGAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with