^

Punto Mo

Panibagong isyu sa POGO, nabunyag

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang nadadagdagan ang problema dito sa mga Philippine Offshore Gaming Operator ( POGO).

Hindi nga ba’t sinasabing dahil sa pagsusulputan ng POGOs sa bansa, tumaas ang kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga Chinese na ang binibiktima ay kapwa nila Chinese?

Marami rin ang sinasabing nag-o-operate ng walang kaukulang permit, bukod pa sa hindi pagbabayad sa tamang buwis kaya nga pinasilip ito ni Pangulong Digong.

Ngayon eto na naman, sa maraming raid na isinagawa partikular sa Makati, ilan ang nadiskubreng prostitution den na pinatatakbo ng mga Chinese.

Marami rin ang nasagip na ‘sex workers’ na karamihan ay kapwa rin nila Chinese, meron din na mga Pinay.

Karamihan sa mga kostumer nito ay mga nagtatrabaho at mga kostumer sa (POGO).

Na-oorder ang serbisyo ng mga babae sa pamamagitan ng messaging apps na Telegram at WeChat na ito nga ang gustong paimbestigahan ni Sen Risa Hontiveros.

Mistulang restaurant na may menu ng serbisyo ang mga inaalok na babae na may katumbas na presyo.

Dapat na talagang masilip ang mga ito na dumadagdag pa sa mga problema sa bansa.

Baka hindi lang kidnapping, sugal at prostitusyon, ano pa kaya ang susunod dito?

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with