^

Punto Mo

Boratong, jinx sa career ni General De Leon?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

APEKTADO tiyak ang ambition ni Brig. Gen. Valeriano de Leon, ang director ng Central Visayas police, na maging chief ng Philippine National Police (PNP) matapos maebidensiyahan ang tatlo niyang opisyal na naglalaro ng golf sa oras ng trabaho. Tahasang sinabihan kasi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa si De Leon na “Strike One” na siya, na ang ibig sabihin ay may kalalagyan siya kapag hindi niya narendahan ang kanyang mga tauhan. Si De Leon kasi ang kauna-unahang opisyal ng PNP na sinita ni Gamboa dahil sa paglabag ng kampanya niya na inilabas noong officer-in-charge (OIC) pa lang siya. Araguuyyy! Kaya kahit bagyo pa ang padrino ni De Leon sa katauhan ni Davao City Mayor Sara Duterte, baka hindi na siya makaahon sa delubyong dumating sa buhay niya.

Hindi lang malinaw kung ilang strike ang kailangan para masibak ang isang regional director ng PNP, tulad ni De Leon, subalit sinisiguro ko na seryoso si Gamboa sa programa niya versus paglaro ng golf dahil ang pera ng gobyerno ang nawawala rito, di ba mga kosa. Hak hak hak! Hamakin n’yo nagliliwaliw lang ang mga opisyal ng PNP sa oras ng kanilang trabaho.

Kaagad ni-relieve ni Gamboa sina Lt. Col’s. Dennis Artil, Dennis Bad-ang, at Colon Glenn Mayam matapos maaktuhan silang naglalaro ng golf habang nasa oras ng trabaho. Si Artil ay comptroller ni De Leon, si Bad-ang ang nasa Finance Department samantalang si Mayam ay nasa Drug Enforcement Group (DEG) naman.

Panay importanteng puwesto ang hawak ng tatlo sa liderato ni De Leon kaya may punto si Gamboa na parusahan sila dahil iniwan nila ang mga puwesto nila para lang sa pansarili nilang kaligayahan. Sinabi ng mga kosa ko sa Camp Crame na sina Artil, Bad-ang at Mayam ay miyembro ng PNP Academy Class ‘98, ang pinakamaraming opisyal ng PNP ngayon.

Aabot yata sila ng mahigit 300 at kaya nilang patakbuhin ang PNP kapag oras na nilang mamuno. Ang sayang lang dito, may dalawa sa tatlo na slated na para sa promotion, kaya may posibilidad na maudlot ito, ani Gamboa. Araguuyyy! Siyempre, ang usap-usapan sa ngayon sa Camp Crame ay ang kaso ng tatlo at lumalabas na binalewala nila ang hepe nila na si De Leon. Kaya lumalabas na weak si De Leon dahil hindi niya nasuweto ang mga opisyales niya. Araguuyyy! Hak hak hak! Weder-weder lang talaga, di ba mga kosa?

Sinabi naman ng mga kosa ko sa PNP Press Corps na minalas si De Leon mula nang kanlungin niya si alyas Boratong sa kanyang kuwadra. Hamakin n’yo kauupo pa lang ni De Leon ay dinoble ni Boratong ang lingguhang intelihensiya nito sa PRO7, sabay hingi ng L-300 sa mga gambling lord kaya hayun, katakut-takot na denuns’yo ang inabot ng una.

Ayon sa mga kosa ko, sinamahan din ni Boratong si Comm. Nicanor Faeldon sa Bureau of Customs (BOC) at PCSO Gen. Man. Alexander Balutan. Saan na sina Faeldon at Balutan sa ngayon? Araguuyyy! Hak hak hak! Si Gen. De Leon na kaya ang kasunod na aalatin dahil sa dalang malas ni Boratong? Araguuyyyy! Abangan!

vuukle comment

VALERIANO DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with