^

Punto Mo

Katotohanan tungkol kay Mister

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Mas gugustuhin pa ni Mister na amining hindi na siya mahal ni Misis kaysa patuloy na bastusin ang kanyang pagiging ama ng tahanan.

• • • • • •

Kadalasan, ang galit ni Mister ay response lang sa ginawa ni Misis na sa pakiramdam niya ay panghihiya o pangmamaliit sa kanya bilang lalaki.

• • • • • •

Men are insecure. Hindi nila sinasabi ang saloobing ito pero iyon ang katotohanan. Ang gamot sa insecurity? Appreciation, encouragement and support  mula kay Misis. Kung hindi nila makukuha sa iyo ang mga tatlong nabanggit, baka hanapin iyon ni Mister sa “iba”.

• • • • • •

Men want more sex. Hindi dahil mahilig sila kundi nais lang nilang maramdaman na kailangan sila ng kanilang misis. Men simply need to be wanted.

• • • • • •

May mas malalim pang ibig sabihin ng sex kay Mister. Nagbibigay kay Mister ng matinding self-confidence at mataas na pagpapahalaga sa kanyang pagkatao ang ideya na lagi siyang pinagnanasaan ng kanyang misis. 

• • • • • •

Mahalaga kay Mister ang hitsura ng kanyang Misis. Hindi naman kailangang magmukhang supermodel si misis pero sapat na ‘yung nakikita ni Mister na nagsisikap si Misis na panatilihin ang kanyang magandang hitsura.

• • • • • •

Gusto nilang ipaalam kung gaano nila kamahal ang kanilang misis pero mahina sila pag-e-express ng kanilang nadarama. Sana ay maunawaan ng misis nila ang kahinaang ito.                 

vuukle comment

INSECURITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with