^

Punto Mo

EDITORYAL – Higpitan, mga Chinese na pumapasok sa bansa

Pang-masa
EDITORYAL � Higpitan, mga Chinese na pumapasok sa bansa

MULA pa noong 2017, dagsa na ang mga Chinese na dumarating sa bansa. Karamihan sa kanila ay mga turista pero nang mag-operate ang Philippine offshore gaming operators (POGOs) lalong dumami sapagkat ang mga empleyado nito ay pawang Chinese. Mga kapwa Chinese rin kasi ang parukyano ng gaming corporations. Libong Chinese ang empleado ng POGOs.

Bagama’t sa pagdagsa ng mga Chinese ay makikinabang ang bansa dahil tumataas ang turismo at sa mataas na buwis mula sa POGOs, nakapanga­ngamba naman na carrier din ng sakit ang mga ito. Mayroon ngang napapakinabang pero malaki rin ang posibilidad na mahawa ang mamamayan sa ipinapasok na sakit. Napakadelikado nang isyung ito na apektado ang kalusugan ng mamamayan. Nararapat na protektahan ng estado ang mamamayan sa anumang banta ng sakit.

Isang sakit na hinihinalang galing sa Wuhan, China ang tinututukan ngayon ng Department of Health (DOH). Ito Ang coronavirus na naihahalintulad sa nakamamatay na severe acute respiratory syndrome (SARS) ay mabilis umanong makahawa at mahigit 100 katao na ang namatay sa Wuhan. Kaya nang makitaan ng sintomas ang isang limang taong gulang na bata na dumating sa bansa galing Wuhan, agad itong isinailalim ng DOH sa gamutan. Nag-negatibo naman ang bata sa coronavirus ganundin ang ina nito. Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang kaso ng coronavirus sa bansa.

Ayon sa DOH, naisasalin ang sakit sa pamamagitan ng pag-ubo at sipon. Lalagnatin umano ang pasyente at ito ang magiging sanhi ng kamatayan. Ipinapayo ang paghuhugas ng kamay, magtakip ng bibig kapag bumabahin o umuubo at panatilihing malinis at malakas ang katawan upang hindi mahawa ng sakit.

Pinakamagandang magagawa ng mga awtoridad ay higpitan ang mga pumapasok na bisitang Chinese para masiguro na wala silang dalang sakit. Paigtingin ang pag-monitor sa kanilang kalagayan bago pa makatapak sa bansa. Tiyakin na hindi makapapasok ang mga maysakit. Kawawa naman ang sambayanan na dumaranas na sa kasalukuyan ng kalamidad dulot ng pagputok ng bulkan ay baka mahawahan pa ng misteryosong sakit. Nasa kamay ng DOH ang kaligtasan ng mamamayan.

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with