^

Punto Mo

Sugar Mommy (280)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ITINUON ni Jericho ang atensiyon sa trabaho para madaling lumipas ang oras. Itinuro lahat kay Sammy ang mga mahahalagang bagay sa pagpapatakbo ng autoshop. Kailangan bago siya umalis sa kompanya ay kabisadung-kabisado na ni Sammy ang pagpapatakbo sa shop. Lahat ng mga nalalaman niya ay ipamamana kay Sammy. Naniniwala siyang makakaya ni Sammy ang lahat at magpapatuloy ang nasimulan niya sa kompanya.

Malaki na rin ang maiuuwi niyang pera at gagamitin nila iyon ni Jane sa pagsisimula ng negosyo sa Pinamalayan. Iyon naman ay kung papayag si Jane na magtayo sila ng negos­yo. Kung papayag, gusto niya ay magtayo ng motorcycle parts and accessories. Maraming nagtatraysikel sa Pinamalayan pero ang isang napansin niya, iisa ang may tindahan ng spare parts. Sabi ni Sammy, mayaman na ang nag-iisang tindahan ng motorcycle parts. Dito lahat bumibili ang mga traysikel drayber kaya naman paldo ang may-ari.

Napangiti si Jericho. Tama ang naisip niya, motorcycle parts ang itatayo niya kapag natapos ang dalawang taong kontrata. Pero sisiguruhin muna niya kung papayag si Jane. Kailangang makuha niya ang pasya ni Jane sa itatayong negosyo. Mas madali ang negosyo kung dalawa ang nag-iisip para rito.

Nang tanungin niya si Sammy sa binabalak na negosyo, napa-thumbs up ito.

“’Yan ang magandang negosyo sa Pinamalayan, Jericho. Mabilis kang uunlad at yayaman,’’ sabi ni Sammy.

“Pero kukunin ko rin ang ideya ni Jane para hindi ako magkamali.’’

Napa­tango si Sammy.

Si Jane naman ay excited na sa pagtatapos ng kontrata ni Jericho. Marami rin siyang iniisip na dapat gawin kapag narito na sa bansa si Jericho. Magtutulong silang dalawa para umunlad ang mga pinagkakakitaang pananim gaya ng saging, niyog, mangga, lansones, kape at cacao. Hindi sila magugutom ni Jericho dahil marami silang pagkakakitaan. Hindi na talaga niya hahayaang magkalayo pa sila ni Jericho.

Ipinasya ni Jane na magtanim pa ng mga halaman sa paligid ng kubo para pagda-ting ni Jericho ay matuwa ito. Nasabi sa kanya ni Jericho minsan na magandang ilagay o itanim sa harapan ng bahay ay mga namumungang halaman gaya ng lansones at kape. Nakaaaliw pagmasdan ang mga bunga ng kape at lansones na nagkumpul-kumpol sa sanga at sa katawan.

Pumili si Jane ng mga magagandang seedlings ng kape, lansones at cacao para itanim sa harap ng kubo. Tamang-tama pagkalipas ng dalawang taon ay malalaki na ang mga tanim.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with