^

Punto Mo

Mayor Zamora, tinalikuran ang isyu vs corruption ni ‘ahas’?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IPINASARA ang slaughterhouse na matatagpuan sa F. Manalo sa Bgy. Batis sa San Juan noong Miyerkules dahil sa paglabag sa patung-patong na environmental laws. Hindi na nakaporma ang may-ari ng Megga Foods and Stockfarms Inc., na si Jimmy Valdes nang i-serve sa kanya ang closure at cease and desist order ng Department of Environment and Natural Resources sa pamumuno ni DENR Sec. Roy Cimatu at San Juan Mayor Francis Zamora. Matapos ang pagsara ng slaughterhouse, hinarap ni Zamora ang grupo ni Ric Chan, ang president ng meat dealers, at naghugas-kamay siya sa isyu. Sinabi ni Chan na naniniwala ang grupo niya na walang kinalaman si Zamora sa delubyong inabot nila sa “ahas” na nasa paligid nito. Nangako si Zamora sa tropa ni Chan na paiimbestigahan niya si Valdes at ang City Hall employee, dahil ipinakita ng grupo ng meat dealers ang palitan ng text messages kung saan maliwanag na may kumita sa kanila. Araguuyyy! Hak hak hak! Lulunukin kaya ni Zamora ang pride niya para protektahan si “ahas” kahit may maliwanag na ebidensiya na naiputan siya? Kapag nanahimik si Zamora sa isyung ito matapos mangako sa mga meat dealers ay maliwanag pa sa sikat ng araw na may basbas niya ang corruption raket ni “ahas”, di ba mga kosa? Tumpak!

Sa pananakot na ipasasara niya ang slaughterhouse, itinuro ni “ahas” ang mga meat dealers kay Ka Ernie kung saan ang presyo ng baboy ay ginawang P105 samantalang P87 lang ang kilo nito sa mga hog farms. Ipinaliwanag ng mga meat dealers na sa kada kilo, kumikita si “ahas” ng P18. Ang kilo ng isang baboy ay aabot sa 50 o di kaya’y mas mataas pa. So, ipalagay na lang natin na 50 kilos ang isang baboy sa halagang P18 kada kilo ay maliwanag na P900 kada baboy. Kung ang kinukuha ng mga meat dealers kay Ka Ernie ay 50 baboy, aba maliwanag na P45,000 at kada araw ‘yan na malinis na kinikita ni “ahas,” di ba mga kosa? Araguuyyyy! Eh paano kung aabot ang baboy sa 75 piraso na toka sa kanila? Di ba mas malaki ang ingreso kay “ahas”? At ilang araw na nag-operate ang sistema nina “ahas” at Ka Ernie bago maipasara ang slaughterhouse kaya malaking pera sana ito kung sa kaban ng siyudad napunta. Hak hak hak! Kapag nagkamali si Zamora sa pag-handle ng isyung ito mawawalan ng saysay ang ibinabando niyang pagbabago. Lalabas kasi ang katotohanan na ang bago lang sa liderato ni Zamora ay ang pagmumukha ng mga kumikita, di ba mga kosa?

Sa ngayon, hilong talilong ang mga miyembro ni Chan dahil hindi nila alam kung saan sila magpapakatay ng baboy nila dahil halos puno na rin ang iba pang slaughterhouse sa Metro Manila. Si Chan naman ay dumulog sa slaughterhouse ni Ret. Gen. Louie Ticman sa Cainta, Rizal na matagal na niyang kasosyo. Kaya good luck na lang sa meat dealers na nananalangin na patawan din ni Zamora ng karapatang kaparusahan si “ahas.” Abangan!

vuukle comment

MAYOR ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with