^

Punto Mo

Sugar Mommy (279)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BIGLANG umiyak si Jane. Nabagbag ang kalooban ni Jericho.

“Huwag kang umiyak at talagang plantsado na ang plano ko na dalawang taon na lang dito.’’

Tumigil sa pag-iyak si Jane.

Gumaralgal ang boses nang magsalita.

“Hindi ba puwedeng isang taon ka na lang diyan?’’

“Payagan mo na akong tapusin ang dalawang taon. Sandali na lang naman iyon. Isa pa, nahihiya naman ako sa aking mabait na boss. Gusto e umalis dito na walang masamang namagitan sa amin. Isa pa rin, ina­alalayan ko si Sammy dahil siya ang papalit sa akin.’’

Natahimik si Jane pero may naririnig na singhot si Jericho.

“Pagbalik ko, ipaplano na natin ang pagpapakasal. Saan bang simbahan gusto mong magpakasal tayo?’’

Hindi agad nakasagot si Jane pero nang magsalita ay may saya na ang boses.

“Talaga bang pakakasal tayo, Jericho?’’

“Oo naman. Ano ba sa akala mo?’

“Akala ko, magsasama na lang tayo.’’

“Magli-live-in?’’

“Oo.”

“Ayoko nang ganun. Gusto ko magpakasal tayo para maayos na maayos ang ating pagsasama.’’

“Hindi ka nahihiya na ang pakakasalan mo e mas matanda sa’yo?’’

“Ilang ulit ko bang sinabi sa’yo na hindi ka matanda. E ang bata mo ngang tingnan. Hindi ka halatang past sixty na. Napakaganda at napaka-sexy mo pa.’’

Biglang nagtawa si Jane. Hindi mapigil ang pagtawa.

“Ba’t ka nagtawa?’’

“E kasi binobola mo na yata ako.’

“Aba hindi kita binobola. Talagang maganda ka at seksing-seksi. Ilang beses yata kitang nabosohan habang naliligo sa sapa. Talagang super ang curves mo. Nakakagigil!’’

Lalong humalakhak si Jane.

“Seryoso ako Jane, gusto ko pakasal tayo.’’

“Puwedeng civil wedding na lang Jericho. Para wala na tayong paghahanda pa na gagawin.’’

“Ikaw ang bahala, Jane. Basta ang gusto ko, makasal tayo. Wala sa bokabularyo ko ang pagsasama na walang basbas ng kasal.’’

“Lalo kitang minahal Jericho. Lalo tuloy kitang na-miss.’’

“E di wala nang problema na tatapusin ko ang dalawang taong kontrata rito.’’

“Oo. Wala nang problema. Naiintindihan na kita.’’

“Salamat Jane. I love you.”

Masayang-masaya si Jericho matapos silang mag-usap.

Hindi na matagal ang dalawang taon na paghihintay. Makakapiling na rin niya nang tuluyan si Jane. Hindi na sila magkakahiwalay pa.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with