^

Punto Mo

Drayber sa U.S., inaresto dahil sa paglalagay ng pekeng kalansay na kunwari’y pasahero para makagamit ng lane

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG drayber sa Arizona, USA ang inaresto ng mga awtoridad makaraang mapansin na ang katabi nito sa upuan ay isang “pekeng pasahero”.

Pinara ng Arizona Department of Public Safety ang sasakyan na minamaneho ng 62-anyos na lalaki na nagdaan sa high-occupancy vehicle lane.

Nang inspeksyunin ng officer ang sasakyan, nakumpirma na ang katabing “pasahero” ng lalaki ay peke.

Isang plastic na skeleton o kalansay na dinamitan para magmukhang tao at isiping ito ay pasahero at makakagamit na ng HOV lane.

 Ang kalansay ay may suot pang sombrero at nakatali sa passenger seat at maipagkakamaling tao kung titingnan sa malayuan.

Agad na inisyuhan ng penalty ticket ang  drayber.

Taun-taon, mahigit 7,000 drayber sa Arizona ang nahuhuli sa paglabag sa paggamit ng high occupancy lane sa pamamagitan nang pagdi-disguise na mayroon siyang pasahero.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan sa HOV lane kung walang pasahero.

vuukle comment

PEKENG KALANSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with