^

Punto Mo

EDITORYAL – Sundin ang mga awtoridad

Pang-masa
EDITORYAL � Sundin ang mga awtoridad

PINAAALIS ng Philippine National Police ang mga residenteng sakop ng 14-kilometer danger zone sa paligid ng Bulkang Taal dahil delikado nang manatili roon. Patuloy ang pagbitak ng lupa sa paligid ng bulkan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 12 bayan at 2 siyudad ang kabilang sa danger zone. Pinapayuhan ang mga nakatira na umalis sa loob ng 48 oras. Ayon sa PNP, mapipilitan silang bitbitin ang mga residente na ayaw umalis. Magpapatupad sila ng total lockdown sa mga lugar na tinukoy ng NDRRMC. Wala umano silang magagawa kundi ipatupad ang kautusan upang maiwasan ang panganib ng bulkan. Mula nang pumutok ang Taal noong Enero 12, mahigit 235,000 katao na ang inilikas mula sa lugar. Ayon naman sa Phivolcs, posibleng magkaroon pa nang malakas na pagsabog ang bulkan sa kabila na humina na ang pag-usok nito.

Sa kabila na mahigpit ang utos na umalis sa lugar, marami pa rin ang ayaw lisanin ang kanilang tirahan. Marami rin namang bumabalik sapagkat para sa kanila, hindi na raw puputok ang bulkan. Tahimik na raw ito kaya dapat na silang bumalik sa kanilang mga bahay para mabantayan. Marami na raw bahay ang nanakawan.

Nakakapagpalakas sa loob ng mga residente ang mga binibitawang pananalita ng mga namumuno na dapat daw pabalikin na ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay. Kinukunsinti o ginagatungan pa ang mga ito. Mas kilala naman daw ng mga tagaroon ang bulkan kaysa sa sinasabi ng Phivolcs. Matagal na raw sila sa Taal kaya mas kabisado nila ang aktibidad nito.

Hindi dapat pairalin ng mga residente ang kanilang kagustuhan na bumalik sa kanilang lugar at lantarang suwayin ang utos ng mga awtoridad. Hindi naman dapat ginagatungan ng mga pinuno ang kanilang nasasakupan sapagkat maaaring dumagsa ang mga residente pabalik sa kani-kanilang mga bahay. Paano kung sa kanilang pagbalik ay sumabog ang bulkan at magbuga ng abo, nagbabagang bato at kumukulong putik at marami ang mamatay. Walang ibang sisisihin kapag nangyari ito kundi ang gobyerno.

Sundin ang utos ng mga awtoridad. Ipatupad naman nang maayos ng PNP ang kautusan na dapat umalis lahat ang residente sa mga danger zone. Para ito sa kaligtasan ng nakararami.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with