Pagkidnap ng Chinese sa kapwa Chinese, walang tigil!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

Mukhang hindi yata tatantanan ng sakit ng ulo ang PNP at iba pang ahensya, dahil sa halos araw-araw eh may dinudukot na mga Chinese na ang suspect ay kanila rin mismong kababayan.

Kung hindi Chinese, nandyan ang Koreano at Taiwanese na nadadawit din sa kahalintulad na modus.

Kung dati, matinding batikos ang natanggap ng PNP, dahil sa pagtaas ng kaso ng kidnap-for-ransom na ang mga target na biktimahin ay mga Chinese.

Ngayon halos wala nang naitatala na ganitong kaso, kundi mga kaso rin ng kidnap pero ang istilo ang mga sangkot nga mismong ay kanilang mga kababayan.

Sunud-sunod ang operasyon ng pulisya sa ganitong mga sumbong, kung saan ipinipiit pa ang kanilang mga biktima hangga’t hindi nagbabayad ang kanilang mga kaanak na tinatawagan pa mismo ng mga suspect sa kanilang bansa.

Isinisisi ng ilan ang pagtaas ng ganitong mga kaso dahil naman sa pagsulputan umano ng mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) sa bansa.

Hindi nga ba’t natuklasan pa na marami sa mga ito ay ilegal na nag-ooperate, ang ilan naman ay hindi tama ang binabayad na buwis.

Ganito na nga ang nangyayari, nagiging problema pa ang mga ito dahil sa pagtaas ng insidente ng kidnap na sila-sila rin ang sangkot.

Ngayon isa pa sa sinasabing problema na nakikita ay ang takot naman ng marami nating mga kababayan dahil na rin sa sinasabing sakit na coronavirus na sinasabing nagmula rin sa China.

Panibagong prolema na naman na tututukan.

KIDNAP-FOR-RANSOM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with