^

Punto Mo

Sugar Mommy (276)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGKATAPOS ipakita at ituro ni Jericho kay Sammy ang mga gagawin sa auto shop, nagsimula na ito.

Mabilis kumilos si Sammy at alam agad ang mga dadamputin para sa pagkukumpuni ng sasakyan. Mabilis na natandaan ang mga sinabi ni Jericho.

Habang gumagawa naman si Sammy, pinagmamasdan ito ni Jericho. Natutuwa si Jericho at mabilis na natututo si Sammy. Hindi nakakahiya kay Abdulaziz Al-Ghamdi. Hindi siya nagkamali na irekomenda si Sammy sa mabait niyang manager. Nakikita ni Jericho na si Sammy ang papalit sa kanya sa mga darating na panahon kapag nagpaalam na siya sa trabaho.

Nasa ganoong pag-iisip si Jericho nang biglang duma-ting si Abdulaziz. Binati siya sa paputol-putol na pagsasalita ng Tagalog.

“Magandang umagah, Jericho! Mukhah  malalim yatah ang iniisip mo?’’

“Wala naman Abdulaziz. Mayroon  lang akong naisip.’’

“Bakah problemah mo ang perah, ha-ha-ha!’’

“Hindi.’’

 “Let me know kung kailangan mo perah at pauuta-ngin kita,” sabi ni Abdulaziz at nakipag-“high five’’ kay Jericho.

“Hindi ko pa kailangan ngayon ang pera.’’

“Basta let me know, Jericho.’’

“Salamat, Moder.’’

Hanggang mapansin ni Abdulaziz si Sammy na abalang-abala sa inaayos na sasakyan.

“Your friend is doing good, Jericho. Maybe I’ll give him a raise soon.’’

“Really my friend?’’

“Yes. Totoo, Jericho.’’

“Thanks. Napakabait mo talaga, Abdulaziz.’’

“Alam ko kasi all Pilipinos are responsible and dedicated sa kanilang job.’’

“Skokran cater, Abdulaziz.’’

KINAHAPUNAN, niyaya ni Jericho si Sammy na magtungo sa Batha.

“Halika at kumain tayo sa Batha. Meron din akong sasabihin sa’yo. May magandang sinabi sa’yo si Abdulaziz.’’

“Ano Jericho?’’

‘‘Mamaya ko na sasabihin sa’yo at tiyak na matutuwa ka.’’

“Nasasabik ako Jericho.’’  

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with