^

Punto Mo

Sri Lanka, bigo sa world record attempt dahil sa rami ng kambal na dumalo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BIGO ang Sri Lanka sa world record attempt nito para sa pinakamalaking pagtitipon ng mga kambal dahil masyadong maraming kambal ang dumalo.

Nagtipun-tipon ang mga kambal sa Sri Lanka sa isang stadium sa capital na Colombo sa pag-asang malalampasan nila ang 1999 Guinness World Record na naitala ng Taiwan.

Nasa 3,961 pares ng kambal, 37 sets ng triplets at apat na sets ng quadruplets ang nagtipun-tipon noon sa Taiwan.

Bagama’t malinaw na mas marami ang mga kambal na nagtipun-ipon sa Sri Lanka, hindi naman na-organisa nang maayos ang pagtitipon kaya hindi nakuha ang eksaktong bilang ng tinatayang 5,000 lumahok.

Dahil dito, hindi nakasunod ang world record attempt sa mahigpit na patakaran ng Guinness World Records.

Inaalam pa ng mga organizers kung uulitin pa nilang sumubok na makapagtala ng bagong world record.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with