^

Punto Mo

Sugar Mommy (275)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DINALA ni Jericho sa auto shop na kanyang mina-manage si Sammy para maging pamilyar ito sa lugar ng pagtatrabahuhan.

Hindi makapaniwala si Sammy sa malaking auto shop. Naroon ang mga bagong mo­delo ng kotse na naka-display.

“Ito ang departamento ko, Sammy. Lahat nang mga sasakyan na may nakikitang depekto ay sa akin dinadala para ma-diagnose. Para akong doctor.’’

‘‘Ang daming sasakyan dito Jericho. Naayos mo na lahat ‘yan?’’

“Oo. Hindi lang kinukuha ng may-ari. Pero may charge na bawat araw kapag hindi kinuha. Kung minsan malaki pa ang binabayarang charge sa pag-stay dito sa shop. Kasi’y mga careless kasing gumamit ng sasakyan ang mga Saudi. Kaya kahit bago pa, nagkakaaberya na. Madali lang kasi silang makabili ng sasakyan dito. Marami kasing may pera kaya balewala kung magpalit nang magpalit ng sasakyan.’’

‘‘Mura raw ang gasoline rito, Jericho?”

“Oo. Full tank dito barya lang. Samantalang sa atin e libo na ang full tank.’’

Napatangu-tango si Sammy.

“Halika rito sa loob. Marami ka pang dapat makita bago ka magsimulang mag-diagnose ng sasakyan.’’

Dinala ni Jericho si Sammy sa isang room na maraming computer. Hanga si Sammy.

“’Yang mga computers na ‘yan ang makakatulong mo sa pag-fix ng problema sa sasakyan. Di ba marunong ka rin sa computer.’’

“Oo Jericho pero palagay ko, mas advanced dito.’’

“Madali mong mapag-aaralan ‘yan. Ako nga nang magpunta rito e walang alam sa computer. Dito na ako natuto. Kapag nasa puso kasi ang trabaho, madaling malaman ang lahat kahit gaano pa kahirap.’’

Napatango si Sammy.

“Halika dito sa isa pang room.’’

Isang room pa ang pinasok nila at nakita nila roon ang maraming spare parts ng sasakyan.

“’Yang mga spare parts na ‘yan e para sa mga sasakyan na may sira at gusto ng may-ari na magawa agad sa loob ng isang oras. Express kumpuni ang tawag. Malaki lang ang bayad dahil mabilisan ang trabaho. Pero sure naman na tatakbo in good condition ang sasakyan.’’

“Makakaya ko ‘yan, Jericho.’’

“’Yan ang gusto kong mari­nig.’’

“Gusto ko nang magsimula, Jericho.’’

“Sige, halika magsuot ka na ng uniporme mo. Pagkatapos, i-diagnose mo ang sasakyang pula na nasa may pinto. Kailangang malaman mo kung saan eksakto ang sira.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with