^

Punto Mo

Maari bang magkasuhan ng estafa ang magkakaanak?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Maari ko bang kasuhan ng estafa ang sarili kong apo? Binibigyan ko kasi siya ng pera sa pag-aakalang gagamitin niya ito sa negosyong ipinamahala ko sa kanya. Nang malugi ang negosyo ay noon ko lang napag-alamang ibinulsa lang niya ang mga perang ibinigay ko at ginastos ang mga ito para sa kanyang sarili. Gusto ko lang sanang malaman kung may kahihinatnan ba kung magsasampa ako ng kasong kriminal.

Edna

Dear Edna,

Base sa iyong nabanggit ay pasok sa depinisyon ng estafa sa ating Revised Penal Code. Nakasaad sa  Article 315, paragraph 4(1)(b) na may krimen ng estafa kung may pang-aabuso ng tiwalang ibinigay sa salarin, na ginamit sa ibang layunin ang bagay na ipinagkatiwala sa kanya ng naperwisyong biktima.

Mula sa nasabing probisyon ay masasabing may estafa nang gastusin ng iyong apo ang salaping ipinagkatiwala mo sa para sa negosyong ipinapamahala mo sa kanya.

Gayunpaman, madi-dismiss lang din ang kasong isasampa mo sa kanya dahil nakasaad sa Article 332 ng RPC na walang kriminal na pananagutan ang magbubunga mula sa pagnanakaw, panloloko, o paninira ng ari-arian kung ang krimen ay ginawa ng isang kaanak katulad ng asawa, anak, o sa kaso mo, ng isang apo.

Hindi naman ibig sabihin ay wala nang magiging pananagutan ang apo mo. Maari ka pa ring magsampa ng kaso ngunit ito ay civil complaint lamang upang mabawi mo ang halagang nilustay ng apo mo at ng perwisyong idinulot niya sa iyo.

vuukle comment

ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with