EDITORYAL – Solusyunan, problema sa air pollution
(Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

NOONG nakaraang linggo sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumubuti na ang kalidad ng hangin sa Metro Manila dahil sa pagputok ng Taal Volcano. Ang abo na binuga ng bulkan ay umabot hanggang Metro Manila at iba pang probinsiya. Nadagdagan ang dati nang maruming hangin sa Metro at kung hindi kikilos ang DENR para masolusyunan ang problema, lalo pang lulubha ang sitwasyon. Maaaring naka-face masks na ang mga tao sa Metro Manila para hindi makalanghap ng maruming hangin.

Ayon sa report, 120,000 Pilipino bawat taon ang namamatay dahil sa pagkalanghap ng hangin na may lason. Ang Pilipinas ay pangatlo sa mga bansa sa Asia na marami ang namamatay sa air pollution. Nangunguna ang China at ikalawa ang Mongolia. Karaniwang pinagmumulan ng hangin na may lason ang usok ng mga sasakyan partikular na ang mga jeepney na yumayaot sa Metro Manila. Walumpong porsiyento na pinagmumulan ng air pollution ay mula sa mga lumang sasakyan.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang maru­ming hangin ay nagdudulot ng noncommunicable diseases (NCDs) gaya ng allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases. Unang tinatamaan ng sakit ang mga pasahero at pedestrians dahil sila ang nakalantad sa maruming hangin. Bukod sa usok ng mga sasakyan, nalalanghap din ang mga sinunog na basura, goma, plastic at iba pang harmful wastes.

Noong nakaraang taon, sinabi ng DENR-Environmental Management Bureau na ang air pollutant concentrations sa Metro Manila ay umabot na sa 130 micrograms per normal cubic meter (NCM). Ang maximum safe level ng air pollutant concentration ay 90 micrograms per NCM. Ngayong 2020, tiyak mas mataas ang level ng air pollutant.

Namo-monitor ng DENR ang level ng maru­ming hangin sa Metro Manila kaya sila rin ang dapat kumilos para ito masolusyunan. Tungkulin nila na mapangalagaan at mapadalisay ang hangin. Katuwangin nila ang local government units (LGUs) para masawata ang mga nagpaparumi sa hangin sa Metro Manila. Hulihin ang smoke belchers na sasakyan gaya ng jeepney na nagdudulot ng air pollution. Isalba ang Metro Manila sa pagkamatay dahil sa hangin na may lason.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with