Paano magiging masaya sa iyong pagtanda
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

Dapat ay may sarili kang bahay kung saan mayroon kang “privacy” at malaya mong magagawa ang iyong gusto.

Mag-ipon. Iba kapag may sarili kang pera. Kung may pambayad ka sa caregiver, hindi mo na kailangang magmakaawa sa iyong mga anak na alagaan ka kapag nakaratay ka na sa banig ng karamdaman. At saka kapag alam nilang may pera ka, mabilis kumuha ng mga taong tutulong sa iyo, nag-uunahan pa sila.

Huwag umasa sa pangako ng mga anak na sila ang mag-aalaga sa iyo kapag tumanda ka. Ang priorities ng mga anak ay nagbabago habang lumilipas ang panahon.

Patuloy na makipagkaibigan upang madagdagan ang dati mo nang kaibigan. Alam mo na. Kung sakaling pumanaw ‘yung iba, at least, marami kang reserbang “friends”.

Ipagpatuloy lang ang pagiging mabait sa kapwa. Huwag mag-expect na gagantihan ka rin ng kabaitan ng ibang tao.

Iwasang makialam sa buhay ng iyong mga anak. May sarili na silang buhay. Makialam ka lang kung hinihingi nila ang iyong tulong.

Huwag gamitin ang iyong katandaan upang maghari-harian sa iyong mga anak. At saka kung masama ang ugali mo, marami ang lihim na nananalangin na mamatay ka na sana.

Makinig sa payo ngunit ang iyong desisyon pa rin ang dapat mangibabaw.

Laging manalangin.

Huwag tumigil sa paggawa ng mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Huwag mong itigil ang pag-ikot ng iyong buhay. Keep busy.

CAREGIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with