‘Wag nang pasaway, tulungan na lang!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

Patuloy ang pagbuhos ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan sa pagsabog ng bulkan.

Mula sa mga indibiduwal nating mga kababayan, iba-ibang grupo at sektor at mga foundation, talaga namang nakakatuwang pagmasdan ang kanilang pag-agapay lalu na sa ganitong panahon ng kalamidad at mga emergency.

Gayunman, habang lumalaon ay talaga yatang may baba­ngong mga komplikadong mga sitwasyon na ang ilan nga ay dulot ng ilang ‘pasaway’.

Aminin natin na talagang likas sa mga Pinoy ang tumulong sa kapwa lalu na sa kanyang mga kababayan, pero likas din sa ilan lang naman na may ‘pasaway’ o yung mareklamo ika nga.

Eto ha, nagugulo na ang mga residente na naapektuhan na nga sa pagsabog ng bulkan na sa ilang pagkakataon hindi pa malaman kung saan lulugar at kung sino ang dapat nilang sundin.

Katulad na lamang kamakalawa nang mag-trending si Talisay Vice Mayor Charlie Natanauan na talagang matindi ang ginawang pagbatikos sa Phivolcs. Hindi lang ‘yan hinihimok pa nito ang kanyang mga nasasakupan na magsibalik na sa kanilang bahay sa kabila na hindi pa naman ibinababa ang alert level 4 sa bulkan.

Ibig lang sabihin nito ayon sa Phivolcs may malaking panganib pa ng malakas na pagsabog ang bulkang Taal.

Eh ayaw paawat ni vice-mayor at nagbibitiw pa ng mga pang-iinsulto sa opisyal at sa pa­ngunahing ahensya na siyang nakatutok sa bulkan.

Ano ba yan? Kung paanong ang marami nating kababayan ang hindi magkandaugaga sa pagkalinga sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkan, eh meron naman hindi na nakakakulong kundi nakakagulo pa.

Isipan pang iba ang kanyang linya na walang kinalaman sa pag-aaral sa kaganapan o pagkilos ng bulkan.

Nagbabala na rin dito ang DILG na huminto sa sa mga pinagsasabi kung hindi eh mahaharap ito sa kaso.

Eh mas matindi naman ang babala ni CALABARZON police director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. na tigilan ang pag-uudyok sa kanyang mga coinstityuents dahil kapag nalagay sa panganib ang buhay ng mga ito ay malamang siya ang ialay sa bulkan.

Sana lang eh, wag nang magkasakitan sa damdamin sa ganitong panahon kundi, magtulungan para makaahon.

BULKAN TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with