Magkakapatid, tinawid ang Atlantic Ocean sa pamamagitan ng pagsasagwan
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

TATLONG magkakapatid mula Scotland ang nagtala ng tatlong world records matapos silang magsagwan ng 3,000 milya sa Atlantic Ocean sa loob lamang ng 35 araw.

Sinimulan ni Ewan, 27, Jamie, 26, at Lachlan MacLean, 21 ang kanilang pagsasagwan sa Canary Islands noong nakaraang Diyembre 12, 2019 samantalang sa Antigua naman sa Caribbean noong nakaraan Huwebes nila kinumpleto ang kanilang paglalakbay.

Dahil sa pagtapos nila sa kanilang paglalakbay sa loob lamang ng 35 araw, siyam na oras at siyam na minuto ay ilang world records ang kanilang naitala.

Sila kasi ang unang trio na magkakapatid na natawid ang kahit anong karagatan nang nagsasagwan.

Bukod dito, sila rin ang pinakamabilis at pinakabatang trio na nakatawid ng Atlantic Ocean sa pamamagitan ng pagsasagwan.

ATLANTIC OCEAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with