Sugar Mommy (274)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

KINABUKASAN, nakaharap nina Jericho at Sammy ang moder o manager na si Abdulaziz Al-Ghamdi.

Ipinakilala ni Jericho si Sammy kay Abdulaziz.

“Kamustah ka Sammy? Welcome sa Riyadh!’’

“I’m fine Mr. Abdulaziz. Shokran, moder!’’

“Aha marunong kah nang mag-Arabic ha.’’

“Pakonti-konti lang moder.’’

“Good! Katulad kah rin ng ibang Pinoy na mabilis magsalitah ng Arabic. I like Pilipinos. Masipag nah mahusay pang mag-speak ng aming language.’’

“Shokran, moder.’’

“I’m sure tulad kah rin nitong si Jericho nah mahusay magtrabaho. He is responsible, industrious, kind, friendly and higit sa lahat may pagmamahal sa trabaho.’’

“I’ll try my very best, mo­der,” sabi  ni Sammy,

Mahigpit siyang kinamayan ni Abdulaziz.

Pagkatapos ay sinimulan na siyang i-tour ni Jericho sa planta. Ipinakita ang mga modernong gamit sa shop.

Ipinakilala rin siya sa ibang workers na karamihan ay mga Pinoy.

“Halos lahat ng empleyado rito ay mga Pinoy. May ilang Indiyano at Indonesians. Yung mga Indiyano, tea boy dito --- tagatimpla ng tsa o tsay. Ang mga Indonesians ay mga drayber. Mas pinagkakatiwalaan ang mga Pinoy dahil nga mas madaling matuto at mas fluent sa pagsasalita sa English.’’

“Okey na ba yung ba­luktot kong English at Arabic, Jericho. Di ba nakakahiya, he-he-he!’’

“Hindi! Hanga nga ako sa’yo e. Isang araw ka pa lang dito e humahataw ka na sa pagsasalita ng Arabic.’’

“Natutuhan ko lang sa’yo yun, he-he-he!’’

“Ang bilis mo ngang natuto. Baka mga ilang buwan ka lang dito ay mas mahusay ka pa sa akin, he-he-he!’’

“Hindi naman siguro, Jericho.’’

“Halika at ipakikita ko sa’yo ang mga sasakyan na inayos ko para mayroon ka nang ideya sa mga nangyayari sa shop. Balang araw e baka ikaw na ang moder dito.’’

“Kailangan e turuan mo ako para mangyari iyon. Ikaw ang magtuturo sa akin para maabot ang mga iyon. Hindi ko iyon makukuha kapag hindi mo ako tinuruan at ginabayan.’’

“Uumpisahan na natin ngayon, Sammy.’’

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with