^

Punto Mo

Ang ‘ahas’ sa tabi ni Mayor Zamora, bow!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PANAY pagbabago ang ibinubuga ng bunganga ni San Juan Mayor Francis Zamora noong bago pa lang siya maupo sa trono. Kung sabagay, maganda naman ang programa na pinaiiral ni Zamora at mukhang nasa tamang landas siya. Kaya lang kapag hindi inaksiyunan ni Zamora ang reklamo ng mga meat dealers ay baka mapunta sa wala ang lahat na pinaghirapan niya. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang hinagpis ng mga meat dealers kung saan hinaharas at ginagawa silang negosyo ng isang “ahas” na palaging nasa tabi ni Zamora. Pinipilit ng alipores ni Zamora ang meat dealers na kumuha sila ng supply na baboy sa hog raiser n’yang kaibigan na si Ka Ernie at tinatakot pang ipasara ang slaughterhouse na pag-aari ni Jimmy Valdez na matatagpuan sa F. Manalo St., Bgy. Batis. Araguuyyy! Ang masama pa nito mga kosa, aba halos kada linggo ay tumataas ang presyo ng baboy ni Ka Ernie. Ang mangyayari nito magiging mahal ang presyo ng baboy na ititinda ng mga meat dealers sa kanilang mga suki at ipapasa ito sa consumers, ‘di ba President Digong Sir? Kaya kung nagmahal ang presyo ng baboy sa bakuran ni Zamora, ‘wag n’yong sisihin ang meat dealers mga kosa kundi ang “ahas” sa paligid ni Zamora. Hak hak hak! Kilala kaya ni Atty. Glen Abelon, ang chief legal ni Zamora ang “ahas” sa tabi ng amo niya? Kung sabagay, may pagbabago naman sa sistema na ito dahil bago nga naman ang kumikita at bagong mukha rin ang nasa likod nito.

Nagsimula ang kalbaryo sa buhay ng meat dealers nang pasukin ng African Swine Fever (ASF) ang bansa noong Oktubre. Siyempre, umaksiyon kaagad ang LGU ng San Juan at ipina-ban ang pagpasok ng baboy sa slaughterhouse na galing sa Rizal, Bulacan at Pampanga. Noong kalagitnaan ng Nobyembre, ipina-implement ang total ban kaya dumulog ang meat dealers sa Bureau of Animal Industry (BAI) para ilapit ang problema nila. Sinabihan sila ng BAI director na kapag may shipping permit sila, at may certificate ng free status sa ASF, puwede silang magkatay ng baboy kahit saang accredited slaughterhouse. Sumunod naman ang meat dealers sa lahat ng alituntunin ng BAI subalit pagkalipas ng apat na araw ay pinatawag sila sa isang miting sa City Hall kung saan inilahad sa kanila ang kasunduan na bibili sila ng initial na 50 baboy kay Ka Ernie hanggang umabot ito sa 75 piraso. Ang presyo ni Ka Ernie sa unang salpukan ay P85 samantalang sa ibang hog farms ay P82. Napuwersang sumunod ang meat dealers subalit pagkaraan ng ilang araw, tumaas ang presyo sa P90, P95, P100 at sa ngayon ay P105 samantalang sa ibang hog farms ay P87 lang. Araguuyyy! Nagbabanta pa si “ahas” na ang hindi susunod sa patakaran niya ay hindi papayagang gagamit ng slaughterhouse. Hak hak hak! Ginawang negosyo ni “ahas” ang meat dealers na tiyak makasisira sa ibinabandong makabagong imahe ni Zamora. Abangan!

vuukle comment

MAYOR ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with