^

Punto Mo

Preso, nabalian ng buto dahil hinabol ng baka, humingi ng danyos!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG preso sa Alberta penitentiary sa Canada ang humihingi ng $500,000 damages dahil sa nabaling buto sa balikat bunga nang paghabol sa kanya ng isang baka.

Ayon sa presong si Leslie Roland Johnson, nagbubungkal siya ng lupa sa loob ng penitentiary nang bigla na lamang may lumapit sa kanyang baka mula sa kanyang likuran at susuwagin siya.

Dahil sa pagkabigla, nagtatakbo si Johnson para makaiwas sa baka. Pero patuloy umano siyang hinabol ng baka.

Ayaw siyang tigilan at sa kanyang pag-iwas, nahulog siya sa isang hukay na naging dahilan para siya mabalian ng buto sa balikat.

Dahil sa tinamong pinsala, nagsampa ng kaso sa Attorney-General ng Canada si Johnson. Humihingi siya ng $500,000 damages.

Ayon kay Johnson, alam ng prison officials na ang baka ay mapanganib pero sa kabila niyon ay pinabayaan pa rin itong gumala-gala sa farm na kanyang pinagtatrabahuhan.

Sabi pa ni Johnson, hindi siya pinrotektahan ng mga taga-penitentiary. Bukod doon, hindi rin agad siya ipinagamot.

Katwiran naman ng prison staff, madalas umanong mag-peke ng injury si Johnson kaya hindi agad  nila pinaniniwalaan sa sinasabi nito.

Nagdududa nga sila kung hinabol nga ba ng baka si Johnson o nagkukunwari lang ito.

vuukle comment

PRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with