^

Punto Mo

Kbe ang batang inayawan ng kanyang ina

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Matagal nang pumanaw ang aming magulang. Tatlo kaming magkakapatid. Dalawa kaming babae at isang lalaki na namatay noong bata pa ito dahil sa cancer. Ang ate ko ay single mom na may isang anak na babaeng 10 years old. Ako naman ay kagagaling lang sa isang failed relationship kaya kasalukuyang namamahinga muna sa love life. Wala akong anak.

Isang araw ay nagulat ako nang tumawag si Ate.

“Niyaya  ako ni Dave na magsama na kami. Ayaw niya ng may sabit. Gusto niya ay kami lang dalawa para makapagsimula ng bagong buhay at bagong pamilya. Doon kami titira sa bagong bili niyang bahay sa Cebu. Puwedeng sa iyo ko iwan si Cristina ? ”

“At kailan mo naman babalikan?”

“Ibibigay ko na sa iyo si Cristina as in ipapaampon ko siya sa iyo. Bunga siya ng isang failed relationship. Dave and I want a fresh start and start a new family. Alam ko, love mo ang iyong pamangkin at love ka rin niya. Kinausap ko na siya at naiintindihan niya ako.”

Sapul pa sa pagkabata, may kakaibang attitude na ang aking ate kaya saglit lang ako nagulat sa naging desisyon niya. Sabagay mas mainam na ako na ang mag-alaga sa aking pamangkin kaysa ipipisan ito sa lalaki niya. Delikado. Magandang bata pa naman ang aking pamangkin. Mas ligtas siya sa aking piling.

Nakatira na si Cristina sa akin nang tinanong ko ito kung nagalit ba siya sa kanyang ina sa naging desisyon nitong ipamigay siya dahil lamang sa isang lalaki.

“Hindi po. Tita secret natin ito. Huwag mong sasabihin kay Mama. Natuwa po ako nang sabihin niya sa akin na ibibigay niya ako sa iyo. Matagal ko na pong wish na sana, ikaw na lang ang aking naging mama at hindi siya. Lagi niya akong pinapalo. Mas mabait ka kaysa kanya.”

Napayakap ako nang mahigpit sa aking pamangkin. Naalaala ko ang aming ina. Malupit din ito sa amin. Minana siguro iyon ng aking ate.

vuukle comment

KBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with