Mapagsamantalang negosyante, parusahan!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 17, 2020 - 12:00am

Dapat lang na hindi, magtumpik-tumpik pa ang pama-halaan partikular ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mapagsamantalang negosyante kundi agad na kasuhan at patawan ng kaparusahan.

Aba’y talaga namang nakapag-iinit ng ulo ang mga damu­hong ito, na sa gitna ng matinding kalamidad dahil sa pagputok ng bulkan,  mistulang nag-piyesta naman ang mga ito sa sobra-sobrang pagtataas ng presyo lalu na nga sa face mask na naging in-demand sa kasalukuyan.

Hindi nga ba’t sa unang araw pa lamang nang pagputok ng bulkang Taal, agad-agad na nagkaubusan ng face mask partikular ang N95.

Hindi nga malaman kung agad na itinago ng mga damuhong negosyanteng ito o di naman kaya ay ibinenta sa mataas na halaga.

Ito ay sa kabila na kitang-kita ang pagdurusa ng marami nating kababayan na naapektuhan sa pagsabog ng bulkan.

Kung ang marami nilang kababayan ay nagkukumahog kung papaano makakatulong sa mga nasalanta ng bulkan, sila naman nagkukumahog kung paanong sasamantalahin ang pagkakataon para kumita ng malaki.

Mga bwisit talaga.

Talagang manggigigil ka sa mga ito.

Kamakalawa sinasabing sinampahan na ng kaso ang 12 medical supply stores sa Maynila dahil nga sa overpricing ng face masks.

Sana ay hindi dito matapos, dapat matutukan din ang kaso para maparusahan at nang madala ang mga abusadong trader na yan.

Hindi lang sa pagtataas ng presyo ng face masks ang dapat matutukan, kundi maging sa presyo ng mga pangunahing bilihin na madalas na dinadala bilang relief goods ng mga nais na tumulong sa mga naapektuhan ng bulkan.

Dapat talaga itong tutukan nang husto ng DTI at sana ay hindi ‘ningas-kugon  lang.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with