Tandem nina Año at Eleazar, patok!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - January 17, 2020 - 12:00am

GOODBYE na lang sa “palakasan” at “padrino” system sa pag-recruit ng bagong miyembro ng Philippine National Police (PNP). Sa taon na ito kasi, aabot sa 17,000 pulis ang idadagdag sa hanay ng kapulisan at sinisiguro ni DILG Sec. Eduardo Año na ang the best and brightest ang kanilang pipiliin. Sinabi ni Año na ang mga aplikante na hindi mentally at physically fit ay goodbye na lang dahil itong recruitment sa taon na ito ay ang bagong simula ng cleansing program ng PNP.

Sinabi ni Año na seryoso na ang pamunuan ng PNP sa recruitment process nila para mawala ang sakit ng ulo ng mga lider nila kapag nalusutan pa sila sa ngayon. “I don’t want second-rate police officers. Now that their salaries have been doubled by the President, we should only hire the best of this generation. Ang kailangan sa PNP ay yung pinakamahuhusay at may puso para sa paglilingkod,” ang pahayag pa ni Año.

Ang pagpili sa mga aplikante, ayon pa kay Año, ay base sa merit system habang binalaan niya ang mga matataas na opisyal ng PNP na ‘wag nang ipairal ang “bata-bata” system at baka tamaan sila ng kidlat. Araguuyyy! Hak hak hak! Basta hindi kuwalipikado, tigbak kaagad at transparent ang proseso ng rectuitment, ani Año.


Siyempre, pabor si Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Chief of Directorial Staff (CDS) ng PNP para tuldukan ang “palakasan” system sa recruitment at katunayan naumpisahan na niya ito noong hepe pa siya ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Bago lisanin ni Eleazar ang NCRPO, may isang batch ng mga recruits siyang hindi dumaan sa padrino at palakasan system. Get’s n’yo mga kosa?

Pinasalamatan ni Eleazar si President Digong dahil sa 17,000 recruits ng PNP at tinitiyak niyang dadagsa ang aplikante dito dahil dinoble na ang kanilang sahod. “Being a policeman today has become a noble and attractive profession because our President elevated the status of this career by upgrading policemen’s salaries. Today, one has to be deserving to be a policeman,” sabi ni Eleazar, ang “People’s Choice” sa pagka-PNP chief. Hehehe! Nasingit pa eh! Sinabi na ni Eleazar na ang kautusan ni Digong na itiwalag ang “ninja cops” at scalawags sa kanilang hanay ay nagbigay paraan din para bumalik ang ningning at prestihiyo sa kanilang propesyon.

Tumpak, di ba mga kosa? Ang paliwanag pa ni Eleazar na 10,000 sa mga bagong recruits ay bahagi ng regular na recruitment quota ng PNP samantalang ang natirang 7,000 ay bilang pamalit sa mga nagretiro, namatay, na-dismiss, AWOL at iba pang separated personnel.

Pagkatapos ng 6 months training, automatic na patrolman ang ranggo ng mga recruits at tatanggap sila ng suweldo na P29,668. Hak hak hak! Sapat na ang suweldo sa pagsuporta ng pamilya, di ba mga kosa?

Sa sobrang laki ng suweldo ng mga pulis natin, bakit may ilan pa sa kanila na naliligaw ang landas? Araguuyyy! Itong tandem na kaya ni Año at Eleazar ang kasagutan para tumino ang PNP? Abangan!

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with