Ang alak para kay Father
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - January 17, 2020 - 12:00am

ISANG pari ang aktibo sa pagkakawanggawa. Minsan pinangunahan niya ang paghingi ng donasyon para sa mga anak ng isang sundalong namatay sa pakikipaglaban sa Mindanao. Ang pamilya ng sundalo ay miyembro ng kanyang parish church.

Sa kanilang paglalakad ay may namataan silang kalalakihan na nag-iinuman sa restaurant. Nilapitan ito ng pari. Nanghingi siya ng donasyon. Ipinaliwanag niya ang kanilang misyon sa mga lalaki na medyo lango na sa alak. May isang walanghiya na lumapit sa pari at bigla na lang ibinuhos ang alak sa ulo nito. Kahit ang mga kainuman ng lalaki ay nabigla sa pangyayari.

Kalmadong kinuha ng pari ang kanyang panyo at saka pinahid ang alak na kumalat sa mukha. Maya-maya ay malumanay na kinausap nito ang lalaking nambuhos ng alak.

“Ang alak ay bigay mo para sa akin. Ano naman ang bigay mo para sa mga batang naulila ng sundalong napatay dahil sa pagtatanggol sa ating bayan?”

Tila natanggal ang kalasingan ng lalaki. Natigalgal ito sa huling tinuran ng pari. “Anak ng mga sundalong namatay dahil sa bayan.”

Dali-daling binuksan ng lalaki ang kanyang pitaka at hinugot ang lahat ng perang nakalaman doon. Ibinigay ito sa pari. Nagsunuran ang iba pang kainuman. Ang lahat ng lalaki ay nagbigay na rin ng pera. Malayo na ang pari at mga kasama nito pero nakatanaw pa rin sa kanila ang mga lalaki. Hangang-hanga sila sa naging attitude ni Father.

PAMILYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with