May kalamidad na, may nagsasamantala pa!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

Sa ganitong panahon na may matitinding kalamidad, gaya nang dati makikita mo talaga ang pagmamalasakitan ng mga Pinoy.

Subok na ‘yan, kahit matindi ang dinaranas, nand’yan at hindi mawawala ang bayanihan at pagtutulungan.

Sa naganap na pagsabog ng Bulkang Taal na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pag-aalburuto at walang katiyakan kung kailan matatapos, nand’yan ang mga tulong hindi lang buhat sa iba’t ibang grupo kundi maging ang inaabot na tulong malaki man o sa maliit na paraan ng mga indibiduwal.

Kung paanong ito ang madalas hangaan sa Pinoy, sa isang banda hindi naman maaalis na sa ganito ring mga pagkakataon, meron din mga pasaway na nagsasamantala sa mga naapektuhan na nilang kababayan.

Kung may bida, ito ang mga kontrabida.

Hindi nga ba’t dahil sa kailangang-kailangan ang face mask dahil sa mapanganib na abo na ibinuga at ibinubuga pa ng bulkan, aba’y ayun ang ilang mapagsamantalang negosyante dinoble o may nag-triple pa sa presyo ng mga face mask partikular ang N95.

Ang presyong dati ay P30 -P40, ibinenta ng P100 hanggang P200.

O hindi ba’t pasaway?

Marami na nga ang nagdurusa sa pagsabog ng bulkan, marami na nga ang nawalan ng kabuhayan at tahanan, pero hindi ito nakikita ng ilang mapagsamantalang negosyante kundi ang nasa isip eh kung paano kikita ng malaki.

Dapat ito ang matutukan ng pamahalaan at kapag napatunayan dapat talagang parusahan.

Yan ang walang malasakit sa kapwa.

Yan ang mga dapat na tamaan ng kidlat na galing sa bulkan!

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with