Rapper sa Amerika, 31 oras na nag-rap!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

ISANG rapper sa Amerika ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagra-rap ng 31 oras.

Nagsimulang mag-perform ang rapper na si Frzy, na may tunay na pangalang Harvey Daniels, sa Pennsylvania nitong nakaraang Sabado at natapos ng gabi nitong Linggo.

Binigyan si Frzy ng limang-minutong pahinga para sa bawat oras niyang pagra-rap.

Ang kasalukuyang opisyal na world record para sa pinakamatagal na rap marathon ay nasa 25 oras, 56 minuto at 4 na segundo. Naitala ito noong 2017 ng Los Angeles rapper na si Pablo Alvarez.

Kakasumite pa lamang sa Guinness ang video at iba pang patunay ng world record attempt ni Frzy upang maberipika ang bagong world record.

GUINNESS WORLD RECORD HARVEY DANIELS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with