Sugar Mommy (267)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 15, 2020 - 12:00am

“BIYUDO ka na pala, Jericho. Paano mo nakilala ang naging wife mo?’’ tanong ni Jane habang magkatabi silang kumakain.

“Nurse siya sa isang ospital sa Riyadh. Masakit ang nangyari dahil isang buwan lang kaming nagsama. Ayaw nga niyang magpakasal kami dahil may taning na ang buhay niya pero ako ang mapilit. Kahit nakaratay siya, nagpakasal kami.’’

Napahinga nang malalim si Jericho.

“Anong name niya Jericho?”

“Maia.’’

Napatangu-tango si Jane.

“Ang akala ko, hindi na ako makakabawi dahil sa nangyari. Masyado kong dinamdam ang pangyayari. Ayaw ko na nga sanang bumalik sa Saudi pero nakapag-isip ako at napayuhan din ng aking mga magulang. Hanggang sa isang araw ay muli kong natagpuan ang sarili na patungo sa dati mong bahay sa Project 6. Hindi ko malimutan ang bahay mo. Hanggang sa makausap ko ang caretaker mo na si Manong Sixto at ang asawa niya na si Manang Perla. Sila ang nagsabi sa akin na narito ka raw sa Pinamalayan. Muling nagkaroon ng kulay ang mundo ko. Muli akong sumigla at nagkaroon ng pangarap…’’ Huminto si Jericho at pinagmasdan si Jane. “Ikaw pala talaga ang babae sa buhay ko. Ikaw lamang at wala nang iba. Kaya nang magbalik ako mula sa Riyadh, isang balak ang naisip ko, hahanapin kita. At nangyari nga. Ngayon ay hindi na tayo maghihiwalay, Jane.’’

Napangiti si Jane. Hinawakan ni Jericho ang kamay nito at pinisil.

Nang biglang mag-ring ang cell phone ni Jericho.

Hindi sinagot ni Jericho.

“Sagutin mo, Jericho! Baka emergency yan!’’

Dinampot ni Jericho ang CP at sinagot.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with