^

Punto Mo

Diskuntento ka ba?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SINO ba itong mataas na opisyal daw ng Department of Justice na nangingialam sa isang particular na kaso sa isang maliit na bayan?

Ayon sa mga reklamador, tumawag daw itong si DOJ official sa isang piskal ng naturang bayan at kinastigo ang huli dahil daw sa pagbasura sa kaso ng isa sa akusado sa isang kidnapping case na kanyang hinahawakan.

Ayon sa kwento, may nahuling namimili ng boto noong nakaraang eleksyon sa naturang bayan. Hinuli ang nasabing vote-buyer sa bisa ng citizens’ arrest at dinala sa barangay hall na may layo ng humigit-kumulang 200 metro lamang mula sa lugar kung saan nadampot ang nasabing vote-buyer, na nagkataon pang empleyado ng city hall ng naturang lungsod.

Nauuna ang kotse na pag-aari ng isang abogado ng isang partido na kasalukuyan daw  nag-iikot noon sa mga presinto sa naturang bayan, doon sa mismong van na pinagsakyan ng suspect.

Ang siste, pagdating sa barangay hall, iniwan na lang basta ng mga nakahuli ang suspected vote-buyer. Dahil wala na ngang complainant, eto ngayon si suspected vote-buyer na ang nagreklamo laban sa mga “nang-aresto” sa kanya.

Ang supect, na naka-tshirt pa di-umano ng kanyang kandidato (Di ba bawal po ito? Empleyado ng gobyerno na aktibong nangingialam sa eleksyon?), ay nagsampa ng kasong pagnanakaw at pambubugbog laban sa mga naghuli sa kanya. Ayon sa suspected vote-buyer, ninakawan daw siya ng mahigit na P8,000 at ng cellphone ng mga dumampot sa kanya, bukod pa sa pambubugbog ng mga ito sa kanya.

At dahil siya na nga ang nagsasampa ng reklamo, inasistihan daw naman siya ni kapitan at sa katunayan, ay pinasamahan pa ni kapitan sa dalawa sa kanyang mga tanod para siguraduhing ligtas siya na makauwi.

Subalit makaraan ang dalawang buwan, laking gulat daw ni kapitan nang makatanggap siya ng subpoena kaugnay ng kasong kidnapping na isinampa laban sa kanya, kasama driver ng van na pinagsakyan sa suspected vote-buyer at ang abogadong may-ari ng kotseng nakabuntot sa nasabing van, na isinampa ni suspected vote-buyer.

Sa unang resolusyon, kinatigan di-umano si suspected vote-buyer at inirekomenda ang ang pagsampa ng kasong kidnapping laban sa tatlo.

Subalit matapos rebisahin ang resolusyon, ito ay binago at ibinasura ang kaso laban sa abogado sa kadahilanang hindi naman na-establish na kasama nga ang kotse at ang mga sakay nito sa pagdampot kay suspected vote-buyer, at lalo naman hindi na-establish na andun sa nga sa lugar ng pangyayari ang nasabing abogado.

Sa katunayan, ibabasura din daw sana ang kaso laban sa dalawa pa, lalo na kay kapitan dahil wala naming makitang batayan para sila ay sampahan ng kaso, dangan nga lamang ay may tumawag daw sa na di-umano na mataas na opisyal ng lungsod.

Matapos ibasura ang kaso laban kay abogado, tumawag din daw si DOJ official kay piskal at pinagalitan ito.

Ayon sa sumbungero, pilit na pinasasama ni DOJ official sa kasong kidnapping na isang non-bailable na kaso, si abogado (Take note, mukhang updated si DOJ official sa status ng kaso).

Ang nakakatuwa dito, etong si DOJ official ay naturingan pang nagbabanta laban daw sa mga corrupt na prosecutors. Eh ang kwento pong nakarating sa atin, sinubukan daw mag offer itong opisyal ng lungsod kay piskal ng pera at property para lang siguraduhin na masampahan ng kaso ang tatlong inakusahan ni suspected vote-buyer. 

Eh kung kay piskal, ganun na kalaki ang offer, magkano naman kaya kay DOJ official?

Bakit naman kaya siya magkakaroon ng interes sa isang particular na kaso sa isang maliit na bayan?

‘Diskontento’ kaya siya sa kinikita niya ?

vuukle comment

DISKUNTENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with