Sugar Mommy (266)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 14, 2020 - 12:00am

HINALIKAN ni Jericho si Jane. Punumpuno ng pagmamahal.

“Mahal na mahal kita Jane!’’

“Kahit mas matanda ako sa’yo, Jericho.’’

“Hindi ka naman matanda! Ang bata-bata mo nga!’’
Nagtawa si Jane at pinagkukurot sa braso si Jericho.

“Nang makita nga kita e nagtataka ako kung paano napanatili ang maganda mong mukha. Hindi ka talaga tumanda, Jane.’’
“Kasi nga wala na akong problema. Isa pa, maganda ang buhay dito sa Pinamalayan. Sariwa ang kinakain ditong gulay, isda at iba pa. Bihira akong kumain ng karne at lagi akong nagtatrabaho o nag-e-exercise.’’

“’Yun pala ang sekreto mo kaya ka maganda at sariwang-sariwa.’’

“Ngayong alam mo na ang sekreto ko, pakakainin naman kita nang masarap. Alam ko paborito mo itong niluto ko. Ipaiinit ko lang. Meron na akong sinaing. Sandali lang ito.’’

“Sige lang Jane. Hindi pa naman ako total na nagugutom dahil mula nang makita kita, palagi akong busog.’’

“Bolero!’’

“Talaga naman!’’
“Sige, naniniwala na ako. Wait ka lang at ipaiinit ko itong ulam.’’

“Ano ba ‘yan?’’

“Kare-kare.’’

“Wow sarap n’yan. May bagoong?’’

“Of course naman. Hindi kumpleto ang kare-kare kapag walang bagoong. Masarap ang bagoong na ginawa ko. Masisiyahan ka.’’

“Sige nga. Tingnan ko kung gaano kasarap.’’

“Sandali na lang ito.’’

Maya-maya, humalimuyak ang bango ng kare-kare. Nagutom na si Jericho.

“Hmmmm, ang sarap ng amoy!’’

“Eto na, maglalagay na ako sa mangkok.’’

“Amoy pa lang, masarap na.’’

Inihain ni Jane ang kare-kare kay Jericho. Pagkatapos ay nagsandok ng kanin.

Kumain silang magkatabi. Masayang-masaya. Punumpuno ng pagmamahal sa isa’t isa.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with