Sugar Mommy (265)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 13, 2020 - 12:00am

MAGKAHAWAK-KAMAY na tinungo nina Jane at Jericho ang kubo. Pakiramdam ni Jane, siya ang pinakamaligayang babae sa mundo, at si Jericho, siya naman ang pinakamaligayang lalaki sa mundo. Walang makakatulad ang nadarama nilang kaligayahan ngayong magkasama na sila.

“Ang ganda ng kubo mo Jane. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang kubo.’’

“Mas matutuwa ka ka­pag nakita mo ang loob ng kubo.’’

“Talaga?’’

“Halika sa loob.”

Pumasok sila.

Humanga si Jericho sapagkat napakalinis. Tama ang sabi sa kanya ni Sammy na napakaganda ng loob ng kubo.

Makintab ang sahig na kawayan. Sa halip na tiles ang nakalatag, mga patpat ng kawayan na maaayos na nakasalansan. Halatang may floor wax ang sahig.

Nag-alis sila ng sapin sa paa. Napakasarap tapakan ng sahig.

‘‘Ang ganda ng sahig, Jane. Parang masarap humiga sa sahig na kawayan.’’

“Diyan talaga ako natutulog, Jericho.’’

“Paano mo naisip na isahig ang kawayan?’’

“Pinag-aralan ko. Kasi maraming kawayan dito. Magandang klase ng kawa-yan at naisip ko, magandang sahig.’’

“Perfect!’’

“Thanks!’’

Hanggang sa makita ni Jericho ang nakapatong na naka-frame niyang picture sa mesita. Iyon ang picture na sinabi sa kanya ni Sammy. Kunwari ay wala siyang alam.

“Aba bakit nariyan ang picture kong guwapo?’’

“Pantakot ko ‘yan sa daga, ha-ha-ha!’’

‘‘Paano ka nagkaroon ng picture ko?’’

“Kinuha ka sa bulsa mo noong natulog ka sa bahay ko. Noong inalagaan mo ako dahil nagkasakit ako. Naiwan mo ang iyong wallet sa kama at pinakialaman ko. Sorry ha, pero gustung-gusto kong magkaroon ng picture mo.’’

“Kaya pala nawala ang picture ko. Akala ko naman, binigyan kita.’’

“Ngayon alam mo na kung gaano kita ka-love?’’

“Oo.’’

(Itutuloy)

 

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with