^

Punto Mo

Sugar Mommy (264)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATULOY ang masa-yang pagkukuwentuhan nina Jericho at Jane habang magkatabing nakaupo sa pampang ng sapa. Walang pagsidlan sa katuwaan ang isa’t isa. Sabik na sabik sa pagkikitang iyon.

“E bakit hindi ka agad lumantad sa akin Jericho? Bakit kailangan mo pang su-baybayan ako. Ang hirap yata ng ginawa mong pagtatago sa damuhang ‘yun. Mabuti at hindi ka natuklaw ng ahas.’’

“Kasi nga gusto kong sorpresahin ka at gusto ko ring malaman kung mahal mo nga ba ako at kung ano ang mga pinagkakaabalahan mo.’’

“Siyempre mahal kita. Noon pa nga kita hinihintay na tumawag pero hindi mo ginawa.’’

“E di ba sabi mo, huwag na kitang tawagan dahil nasa Australia ka. Tapos nalaman ko na narito ka na pala.’’

“Kanino mo nalaman na narito na ako sa Pinas at dito na sa Pinamalayan, naninirahan?’’

“Dun sa mag-asawang caretaker ng bahay mo sa Quezon City.’’

“Sinabi rin pala sa’yo na narito ako. Bilin ko kasi huwag sasabihin sa’yo kapag nagtungo ka roon.’’

“Bakit naman ayaw mong malaman ang kinaroroonan mo?’’

“Magulo kasi ang isipan ko dahil sa dati kong asawa. Yun nga rin ang dahilan kaya ipinasya kong huwag nang manirahan sa Australia. Ginugulo kasi ng dati kong asawa ang buhay namin ng anak ko. Basta malaking problema ang dinulot niya sa buhay namin.’’
“Pero namatay na siya di ba?’’

“Oo. Kaya nga nakahinga ako nang maluwag. Nakalaya ako nang ganap mula nang mamatay siya.’’

“Hindi mo na binalak mag-Australia pagkaraang mamatay ang asawa mo?’’

“Hindi na. Mas gusto ko rito sa Pinamalayan. Isa pa e may pamilya na rin ang anak ko. Sabi ng anak ko, sila na lang ang dadalaw dito.’’

“Nakadalaw na sila?”

“Hindi pa. Nanganak kasi ang anak ko sa first baby nila kaya by next year na sila uuwi rito.’’

“Talagang dito ka na sa Pinamalayan mamamalagi nang tuluyan?’’

“Oo. Masarap ang buhay dito. Pawang sariwang gulay, isda, prutas ang pagkain. Walang polusyon dito at tahimik na tahimik.’’

“Kaya mukha kang bata at sariwa, Jane.’’

“Thanks. Isa pa, lagi akong gumagawa kaya mahusay na exercise.’’

“Oo nga. Nakita ko kung paano ka umakyat sa niyog. Ang galing mo!’’
Humalakhak si Jane.

Muli napuno ng tawanan ang lugar. Nag-echo pa ang tawanan nila.

“Ikaw, kumusta ang buhay mo, Jericho?’’

“Biyudo na ako. Namatay ang asawa ko sa cancer. Isa siyang nurse. Napakalungkot ng nangyari sa amin. Ilang buwan lang ang pinagsama namin at namatay siya.’’

“Kawawa ka naman Jericho. Nakikiramay ako.’’

“Naka-rekober na ako. Natanggap ko na.’’

“Pareho na pala tayong wala nang asawa.’’

“Oo.”

Maya-maya, nagyaya na si Jane sa kubo.

Nagbihis sila.

“Dun na tayo sa kubo, Jericho.’’

“Tena.” (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with