^

Punto Mo

Sakitan blues sa andas

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

BINATIKOS ni Assistant Minority Leader at ACT Tea-chers Rep. France Castro ang sobrang puersa na ginawa ng PNP sa Black Nazarene devotees the other day.

Sabi nga, nakakaawa sila!

Kailangan atasan ni Boss Digong na magsagawa nang isang masusing imbestigasyon sa mga overacting na pangyayari at dapat tiyakin na ang mga pulis ay may pananagutan sa mga paglabag sa karapatang pantao kaugnay sa ginawang labis na puersa na ginagamit laban sa Black Nazarene devotees.

Ang pulis ay nandoon sa mga dadaanan ng Andas para maprotektahan ang mga deboto at magkaroon ng peace and order pero ang nangyari ang mga devotees ay minaltrato tulad ng ipinapakita sa video at mga larawan na nakunan ng media.

Isang police general pa ang umepal dahil sinubukan niya pang pagtakpan diumano ang ginagawa sa pagdaklot ng cell phone ng isang reporter at tanggalin ang kanyang mga kuhang litrato ay isang malaking paglabag?

Naku ha!

Ano ba ito?

“Instead of maintaning peace and order, the excessive number and violence enforced by the police only barred the religious freedom of devotees,’’ banat ni Castro.

• • • • • •

Dalawang korap BI sa MIA?

SANGKATERBANG immigration people sa Mactan International Airport ang nagtataka sa dalawang kurap nilang kasamahan kung saan kumukuha ito ng salapi para gastusin abroad?

Bakit?

Panay ang biahe out of the country!

Ayon sa sumbong, madalas mag-out of the country ang dalawang sinasabing kurap officials kaya naman sila nagtataka dahil kung sueldo lamang nila ang kanilang aasahan ay malabo silang makapunta sa mga mamahaling lugar at hindi rin biro ang pamasahe nila sa eroplano.

Siguro kailangan itong imbestigahan ng mga kinauukulan?

Sa mga sumbungero dapat siguro kayong gumawa ng complaint letter sa Ombudsman para maimbestigahan ang sinasabing dalawang korap BI officials.

Ika nga, for unexplained wealth! Abangan.

vuukle comment

ANDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with