Sugar Mommy (263)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 11, 2020 - 12:00am

“ANG galing nang naisip mo Jericho. Talagang pinahanga mo ako,” sabi ni Jane makaraang siilin ng halik ni Jericho.

“Talagang hangang-ha-nga ka, Jane?’’

“Oo. Akalain mo, wala akong kamalay-malay na ang lalaking minamahal ko ay nasa ilalim pala ng tubig at dinakma ako, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Jericho at napuno ng tawanan ang gitna ng sapa. Nagkaroon pa ng echo ang kanilang masayang tawanan.

Muling ikinulong ni Jericho sa kanyang mga bisig ang hubad na katawan ni Jane. Nagkaroon ng init nang magsanib ang kanilang katawan.

Maya-maya, niyaya ni Jericho si Jane sa pampang.

“Dun tayo sa pampang maupo. Sabik na sabik na akong makarinig ng kuwento mula sa iyo.’’

“Halika. Ako man ay sabik na sabik din, Jericho.’’

Inakbayan ni Jericho si Jane. Nasamyo niya ang mabangong buhok ni Jane.

Inalalayan ni Jericho sa pagsampa sa pampang si Jane.

Naupo silang magkatabi. Niyakap ni Jericho si Jane.

“Wala kang kamalay-malay na sumisisid ako, Jane?’’

“Wala talaga.”

“Tagumpay ang plano ko.’’

“Ang husay mo.’’

“Alam mo matagal na ki-tang sinusubaybayan?’’

“Talaga?’’

“Oo. Dun ako nagtatago sa damuhan at araw-araw kitang minamatyagan.’’

“Ibang klase ka Jericho. Lalo kitang minahal.”

(Itutuloy)

 

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with