Tone-toneladang basura!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 10, 2020 - 12:00am

Tone-toneladang basura na naman ang nahakot matapos ang isinagawang Traslacion kahapon.

Noon lamang nakalipas na buwan matapos ang holiday seasons, sangkaterba o tone-tonelada ring basura ang nahakot partikular sa mga pampublikong lugar at mga pasyalan.

Nagkaroon ng kalamidad sa mga pagtama ng bagyo, hindi nga ba’t ganito rin ang naging senaryo, ang makahakot ng sangkaterbang basura lalo na sa mga baybayin.

Hindi nauubos, hindi kumokonti bagkus parami pa nang parami ang mga nahahakot na basura.

Mga basura na itinapon na lang sa kung saan-saan ng mga pasaway nating kababayan.

Garbage crisis, ‘yan na ang paniwalang nagaganap sa bansa dahil sa mga nahahakot na basura.

Kaya nga konting pag-ulan lang nandiyan na ang nararanasang matinding mga pagbaha. Kasi nga nababarahan na ng basura ang mga daluyan ng tubig, kanal o estero.

Matinding problema ang kinakaharap ng bansa ukol dito.

Nakikita lamang dahilan dito ay kawalan ng disiplina ng marami.

Ang nakakalungkot bakit pagdating sa sarili nilang bansa, hindi magawang maging disiplinado o magawa ang maayos na pagtatapon ng basura sa tamang lugar.

Pero kapag dumayo sa ibang bansa, tila bantay na bantay ang sarili at kahit maliit na basura ibubulsa.

Sa taong ito, inaasahan na rin ang pag-ban sa paggamit ng plastic . Inaasahang sa ganitong paraan bahagyang makakabawas ng basura sa kapuluan.

Sana ay hindi dito matapos ang pagsisikap na masolusyunan ang matinding problema sa basura bagkus simulan ang solusyon sa sarili o indibiduwal na bahagi.

TRASLACION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with