Sugar Mommy (262)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 10, 2020 - 12:00am

SUMISINGHAP pareho sina Jericho at Jane matapos ang kanilang mainit na paghahalikan. Tila mauubusan sila ng hangin.

Pero makaraan ang ilang sandali, nanumbalik na sila sa sarili at sabik na nag-usap kahit nasa gitna sila ng sapa.

Si Jane ay hindi maila-rawan ang kasiyahan sa pagkakataong iyon. Halatang miss na miss niya si Jericho.

Hindi naman inaalis ni Jericho ang mahigpit na pagkakayakap kay Jane. Gusto niyang ipadama rito ang init ng pagmamahal. Sa tagal nang hindi nila pagkikita, nais niyang punuin ng init ang katawan ni Jane.

‘‘Ginulat mo ako Jericho!’’

Sa wakas ay nasabi ni Jane sa masayang tinig.

‘‘Para hinipo ko lang ang hita mo e nagsisigaw ka na.’’

“Akala ko kasi may ahas na biglang tumuka sa hita ko. Ang gulat ko talaga!’’

“Dahan-dahan nga ang paghawak ko dahil baka matakot ka nang husto.’’

“Nagulat talaga ako, Jericho. Sa tagal ko na rito sa Pinamalayan, ngayon lang ako nagulat ng ganito.’’

“Hindi na mauulit. Wala nang manggugulat sa’yo dahil habambuhay na tayong magsasama. Hindi na tayo maghihiwalay.’’

Napamaang si Jane. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Jericho. Mga ilang segundo rin siyang nanahimik at nakatingin lang kay Jericho.

“Totoo, Jericho?’’

“Oo.’’

“Kahit na mas matanda ako sa’yo – senior na ako!’’

“Senyorita ka para sa akin, ha-ha-ha!’’

‘‘Hindi ka nagbibiro Jericho? Talaga bang magkakasama na tayo? Paano ang trabaho mo sa Saudi?’’

“Saka na lang natin problemahin ‘yun. Basta ang mahalaga e narito na ako sa piling mo at maligaya tayo pareho.’’

“Pinaligaya mo ako Jericho --- walang kasingligaya ang nadarama ko ngayon.’’

“Ako man ay pinaligaya mo Jane.’’

“Hindi ko talaga inaasahan ito. Ang akala ko, hindi na tayo magkikita, Jericho’’

“Hinanap kita at awa ng Diyos, natagpuan kita.’’

“Gaano mo katagal hinanap, Jericho.”

“Matagal-tagal na rin. Minanmanan muna kita hanggang sa ipasya ko nang lumantad. Hindi na kasi ako makatagal kaya nagpakita na ako.’’

“Ibang klase ang paraan mo Jericho. At gusto ko ang paraan mo.’’

Muling hinalikan ni Jericho sa labi si Jane.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with