Human error pangunahingdahilan sa aksidentesa lansangan
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 8, 2020 - 12:00am

Isa ang road traffic accident sa leading causes of death sa bansa, ayon yan sa World Health Organization. 

Sa mga huling buwan ng 2019, halos nagkasunud-sunod ang mga malalagim na insidente sa lansangan.

Maraming buhay ang nabuwis at marami rin ang nasugatan.

Majority sa road crashes ay kinasasangkutan ng motorsiklo, susunod dito ay mga kotse, trucks at iba pa.

Pero ang malinaw dito, ang pinakamataas na sanhi ng aksidente sa lansangan ay human error na nasa 75 percent, kasunod lang nito na nasa 15 percent ang depektibong sasakyan.

Pero kung mapapansin sa mga malalagim na aksidenteng naganap, palaging maririnig na idinadahilan eh nawalan ng preno, nawalan ng kontrol at kung anu-ano pa na tumutukoy sa dipresensiya ng minamanehong sasakyan.

Talagang walang umaming driver na siya ang nagkamali.

Kung ang human error ang may pinakamataas na porsiyento na nagsasanhi sa aksidente sa lansangan, dapat na kumilos na rin dito ang mga kinauukulan.

Baka naman hindi na nasasala ang iniisyuhan ng lisensiya.

Kung sa ibang bansa, dadaan ka sa butas ng karayom bago ka isyuhan ng lisensiya, talagang lahat ng eksaminasyon kailangan mong malusutan  at talagang bubusisiin ang isang nag-aaply.

Dito sa Pinas, mukhang atras -abante lang pwede ka nang magkalisensiya kaya pagsumalang na sa lansangan, ayun na sangkot na sa mga aksidente at ang sama pa dito may nadadamay pa.

Sa ibang bansa din binibilang ang mga naging paglabag, nagkakaroon ng demerit points bukod pa ang mga multa na nakalaan.

Dito nabibilang ang mga paglabag ng isang nagmamaneho at kung talagang nagkasunud-sunod na o ‘sukdulan’ na kinakasansela na ang lisensya ng mga ito.

Sa Pinas, hindi nga ba’t natuklasan na may mga bus drivers na nakapagtala na ng mahigit sa 500 paglabag at pagiging pasaway pero patuloy na nakakapagmaneho.

Hindi kaya isa ito sa mga dahilan kaya marami ang aksidente sa ating mga lansangan.

Matutukan sana ito sa taong ito.

WORLD HEALTH ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with