Sugar Mommy (260)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 8, 2020 - 12:00am

HINDI inaasahan ni Jericho ang biglang pagsisid ni Jane. Aabutin na sana niya ang makikinis na hita ni Jane nang bigla itong kumilos. Naramdaman kaya niya na mayroong nasa ilalim?

Hindi muna gumalaw si Jericho, nananatili siya sa kinaroroonan at pinagmasdan ang pagsisid ni Jane. Nagtungo ito sa malalim na bahagi ng sapa.

Maya-maya ay nakita niyang lumutang na si Jane at nagtungo na sa mababaw na bahagi --- hanggang baywang.

Napangiti si Jericho.

Saka lamang siya kumilos para sumisid patungo sa kinaroroonan ni Jane. Dahan-dahan pa rin ang ginawa niyang pagsisid at baka matunugan siya ni Jane.

Kailangang maisagawa na niya ang balak at baka sumisid uli si Jane ay mabuking na siya.

Hindi dapat masira ang plano niya. Lalantad na siya kay Jane.

Sumisid siya nang marahan na marahan patungo sa kinatatayuan ni Jane. Kitang-kita niya ang mala-labanos na hita at binti ni Jane. Nangi­ngibabaw ang puti sa linaw ng tubig. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Jane kapag dinakma niya ang hita nito. Baka magtatalon sa sobrang gulat?

Baka magalit sa kanya si Jane?

Baka mahimatay ito sa pagkagulat?

Ipinasya ni Jericho na isagawa na ang plano. Kaila­ngang mangyari na ang matagal na balak.

Nang makalapit siya kay Jane, marahan niyang ­hinawakan ang hita nito.

At totoo ang hula niya na magugulat si Jane.

Nagsisigaw ito.

“Aaaayyyy! Aaaaaayyyyy!”

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with