^

Punto Mo

Paging NBI at IACT, busisiin ang baho sa CIA

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SIGURO masusubok ang kakayanan ni Maan Lapid, ang bagong hepe ng Clark International Airport sa pagsawata ng mga illegal activities sa kanyang nasasakupan kung mayroon man?

Kung dapat humingi ito ng tulong sa NBI at IACT dapat si-gurong gawin niya dahil nangangamoy mabaho ang diumano’y illegal operations ng mga tiwali at kurap BI employees doon?

Naku ha!

Ano kayang mayroon sa CIA?

Ayon sa mga sumbungero, patuloy at laganap pa din daw ang arrival ng mga Bumbay at Chinese nationals sa CIA at ang sinasabing ‘Kingpin’ dito ay si alyas Gary ‘basalsal?’

Totoo kaya ito?

Ibinida ng mga sumbungero, kay alyas Gary ‘basalsal’ lamang itinitimbre ang mga nasabing nationalities na dumarating sa airport kaya siya lamang ang may hawak ng mga listahan ng mga pangalan ng mga pasahero na papasok o aalis ng Clark International Airport bago niya ipasa sa kanyang mga kasabwat na mga tiwaling immigration officers?

Naku ha!

Ano ba ito ? Take note, BI Commisioner Jaime Morente, Your Honor!

Ang mga tirador sa CIA ay panahon pa ni PNoy pero up to now si Boss Digong na ang nakaupo ay hindi pa rin sila natatanggal dito?

Bakit kaya? 

May isa pang sinasabing tirador sa CIA ito ay si alyas ‘lee linghap linghap’ siya ang madalas nagkakasa ng tali sa arrvial area ng airport oras na may order mula sa Manila ang higpitan blues doon.

Ikinanta ng mga sumbungero, ang isang alyas ‘ma-angas’ na up to now ay may nakabinbin o natutulog umano na kaso sa Ombudsman sa isang provincial office nito. 

Sabi nga, malversation of funds? 

Ano ba ito ?

May trust and confidence pa kaya dito si Morente ?

Abangan.

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with