^

Punto Mo

Ang pangit na matalino

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Ricardo ay nagtatrabaho sa hari bilang tagapayo. Napa-katalino niya pero saksakan naman ng pangit. Sa sobrang galing niya sa pagpapayo, tumatayo na rin siyang kanang kamay ng hari. Matagal nang naiinggit si Prinsipe Jose kay Ricardo. Mas malapit ang kanyang amang hari kay Ricardo kaysa kanya. Magandang lalaki si Prinsipe Jose at may kayabangan kaya minsan ay ininsulto niya si Ricardo.

“Kung talagang matalino ka, sagutin mo kung bakit mas pinili ng Diyos na punuin niya ng talino ang utak ng isang taong pangit?”

Nag-isip si Ricardo saka sumagot pero malayo sa katanu-ngan ng mapang-insultong prinsipe.

“Saan inilalagay ng iyong Amang Hari ang mga alak niya?”

“Siyempre sa banga!”

“Bakit sa banga lang? Ang mahihirap na magsasaka ay sa banga rin naglalagay ng kanilang alak. Dapat sa kagaya ninyong royal blood, ang alak ninyo ay dapat na inilalagay sa mas eleganteng container na gawa sa ginto o silver. Kapag nalaman ng mga pangkaraniwang tao na sa banga lang inilalagay ang alak dito sa palasyo, aba, baka kayo mapintasan.”

Agad pinuntahan ng prinsipe ang kanilang wine cellar at inutusan ang chief steward na ilipat sa gold or silver container ang lahat ng nakaimbak nilang alak. Makalipas ang ilang buwan, nagkaroon ng party sa palasyo kaya buong pagmamalaking isinilbi ng hari ang kanyang masarap at mamahaling alak. Pero anong gulat ng mga bisita nang matikman nilang mapait ang alak na ininom nila. Umasim ang alak nang ilipat ito sa gold at silver container. Nalaman ng hari na anak niya ang may kasalanan ng lahat. Sinabon niya ang prinsipe at sinabihan ng:

“Paano pa kita pagtitiwalaang maging tagapagmana ng

vuukle comment

PRINSIPE JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with