Nakakasanayan na ang ligtas na pagsalubong sa New Year
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 3, 2020 - 12:00am

Muling bumaba ang bilang ng mga naging o nagiging biktima ng paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Bagama’t may mga naitalang biktima, malaking bagay ang malaking ibinaba  sa bilang.

Kung noong pagsalubong sa 2019, malaki na rin ang pagbabagong naitala, bumaba pa ito nitong pagsalubong sa 2020.

Unti-unti nang nasasanay ang marami nating kababayan sa ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon.

Kitang-kita naman, talagang kumonti ang nagpapaputok kaya, nabawasan ang ingay.

Pero meron talagang hindi nagpaawat, lalo na ang ilang pasaway, kaya ayun, nag-Bagong Taon sa pagamutan at ang ilan naputulan pa ng daliri dahil sa paggamit ng mga malalakas at ipinagbabawal na paputok.

Nakabili at nakalusot, eh pasaway pa, kaya ayun ang napala.

Ilan ding gun owner, meron pa ngang mga pulis at military ang hindi rin naawat sa pagpapaputok ng kanilang mga baril.

Mabuti na lang at walang nadamay o namatay sa mga pinakawalan nilang bala.

Talagang hindi napigilan ang kanilang mga kamay, na kahit na matindi ang babala, eh hindi natinag.

Ito ang dapat na habulin ng mga kinauukulan.

Dapat hindi dito, matapos ang kanilang mga paglabag.

Kailangang masampolan nang husto ang mga ito, mukha kasing hindi nadadala.

Sibakin sa serbisyo kung kinakailangan, dahil sa inilalagay nila sa panganib ang taumbayan.

Paano na lang kung meron na namang nagbuwis ng buhay, eh di sising alipin na naman?

Kailangan ding makipagtulungan ang taumbayan kung meron silang impormasyon sa mga naging pasaway na nagpaputok ng kanilang mga baril para mabigyan ng leksyon at aral at nang hindi na umulit at maging pasaway.

BAGONG TAON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with