Mga aantabayanan sa panibagong taon!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 1, 2020 - 12:00am

Una sa lahat ay hayaan po ninyong batiin ko kayong muli ng isang Masagana at Manibagong Bagong Taon.

Sa panibagong taong ito  na ating tatahakin, hangad ng inyong ka-Responde na muli tayong magkasama-sama, kasabay ng pagtutulungan ng buong sambayanan para makamit ang inaasam na kapayapaan sa buong kapuluan.

Ano man ang nangyaring hindi maganda sa nagdaan, sana ay kinapulutan ng aral at maging sandigan para maging matatag sa taong ito na ating kinakaharap.

Muli Happy New Year sa inyong lahat!

Ilang araw ding naramdaman ang masarap na pagbiyahe sa maraming lansangan sa Metro Manila.

Aba’y talaga namang ang luwag ng daloy ng trapiko, magsisikip lang ng kaunti sa mga bus terminal na talagang naging busy dahil sa mga nag-siuwian sa mga lalawigan.

Hanggang sa araw na ito, inaaasahan ang maluwag na trapik sa kamaynilaan.

Siguradong ang trapik ngayon eh ang mga daan patungo sa mga pasyalan.

Pero eto na, pagkatapos ng mahabang holidays, balik na marahil sa normal.

Eh ano nga ba ang normal sa Metro Manila, eh ‘di ang masikip at tila malaking parking na mga lansangan.

Bago matapos ang taon, nagpauna na ang Palasyo na pansamantalang kalimutan ang 5-minuto hanggang 10 minutong travel time mula Cubao hanggang Makati na una nang sinabi ni Pangulong Digong dahil na rin sa hindi natapos ang ilang mga proyekto.

Kaya patuloy pa tayong magtitiyaga sa matinding trapik sa kalakhang Maynila.

Gayunman, ang ating aabangan eh ang mga bagong traffic scheme na planong ipatupad sa taong ito.

Isa na nga rito ang sinasabing babakuran ang motorcycle lane lalu na sa kahabaan ng EDSA.

Antabayan natin kung makakatulong ito sa para maibsan ang matinding trapik.

Anut-anuman sana sa taong ito ay maisakatuparan ang disilpina sa lansangan na maaaring makatulong sa problemang matagal nang hindi masolusyunan.

MANIBAGONG BAGONG TAON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with