Lalaki sa Florida, 864 ang nasagip matapos mag-donate ng 100 gallon ng kanyang dugo sa loob ng 43 taon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 31, 2019 - 12:00am

ISANG lalaki sa Florida ang nagawang sagipin ang buhay ng tinatayang 864 katao sa pamamagitan ng pag-donate niya ng dugo.

Simula 1976, nagdo-donate na ng kanyang dugo dalawang beses isang buwan ang ngayong 73-anyos nang si James Michelini. Matapos ang 43 taon ay nasa 100 gallon na ng kanyang dugo ang kanyang naipapamahagi, 10 beses na mas marami kaysa sa 10 gallon na una niyang target.

Ang bawat pint ng donated na platelets ay sinasabing makapagliligtas ng buhay ng isang tao, samantalang ang bawat pint ng dugo ay may posibilidad namang makapagligtas ng buhay ng tatlong katao. Base rito, tinatayang higit sa 800 katao na ang nasagip ng 100-gallon ng dugo mula kay Michelini.

Masaya naman si Mi-chelini sa pagiging “life saver” niya at itutuloy lamang daw niya ang pagdo-donate ng dugo basta’t siya ay nasa mabuting kalusugan.

DUGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with