Huwag nang‘pasaway’!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - December 30, 2019 - 12:00am

Ilang araw pa man bago ang pagsalubong sa Bagong Taon mahigpit na ang babala ng mga kinauukulan partikular ang   PNP laban sa paggamit ng mga ilegal na paputok.

Sana naman ay huwag nang maging ‘pasaway’ ang marami  na kung ano ‘yung mga uri na ipinagbabawal aba’y ‘yun ang gustung-gustong gamitin.

Sising-alipin kapag minalas-malas.

Sasalubong sa Bagong Taon na kulang ang mga daliri  o ibang parte ng katawan.

Marami ang ganyan, tila nagyayabang pa sa lakas ng mga paputok na sinisindihan.

Ang masaklap pa rito, hindi bale sana kung sila lang ang maapektuhan, nakakalungkot kapag may ibang nadamay na walang malay.

Meron pa diyan, kung kailan lasing na lasing na saka doon magpapasikat  na magpaputok kaya naman nadidisgrasya.

Bukod diyan, naku sana naman ang mga gun owner, lalo nang higit na maging responsable.

Mas nakakatakot kasi ang tatamaan ng ligaw na bala na gawa ng mga walang pakundangang de-baril na indibidwal.

Dito wala kang kalaban-laban, kasi hindi mo nakikita, tutunog na lang ang bagsak ng bala na pinakawalan ng mga responsableng gun-owner.

Kung noong nakalipas na taon, malaki ang ibinaba ng mga naging biktima ng naglalakasang paputok, maging ang mga naging biktima ng indiscriminate firing, wish lang natin na  sana mas lalo itong bumaba sa pagsalubong ngayon sa Bagong Taon, o kung maaari nga sana ay zero-casualty sa taong ito.

Sa susunod na taon na tayo muling magkakasama mga  ka-Responde.

Maraming salamat at Happy New Year sa inyong lahat.

‘PASAWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with