Mga gamit sa bahay, inihahagis palabas ng mga taga-South Africa tuwing sasapit ang New Year
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 30, 2019 - 12:00am

KAKAIBA ang pagdiriwang na ginagawa ng mga taga-Johannesburg, South Africa tuwing sasapit ang Bagong Taon.

Kung dito sa Pilipinas, ang pagpapaputok at pagpapailaw ang ginagawa kapag nagpapalit ang taon, sa isang kalye sa Johannesburg ay ang pagtatapon o paghahagis ng mga gamit sa bahay ang ginagawa.

Naging tradisyon na Hillbrow Street sa Johannesburg ang paghahagis ng kanilang mga lumang gamit palabas ng kanilang bahay.

Hindi naman malinaw kung paano nagsimula ang tradisyon. May nagsasabing ang nakagawiang paghahagis at pagtatapon ng mga lumang gamit ng mga residente ay sumisimbolo sa kanilang kagustuhan na magkaroon ng bagong simula para sa papasok na taon.

Maraming nasasaktan at may namamatay dahil sa tradisyon na ito. Lahat kasi ng klase ng gamit sa bahay ay lumilipad sa kalye ng Hillbrow tuwing bisperas ng Bagong Taon.

Mula sa mga maliliit na gamit sa bahay katulad ng kaldero at microwave hanggang sa malalaki at mabibigat na gamit katulad ng refrigerator at kama ay inihahagis ng mga residente palabas ng kanilang mga tahanan kaya marami ang naaaksidente.

Ito ang dahilan kung bakit sa mga nakaraang taon, mahigpit nang ipinagbabawal ang nakaugaliang tra­disyon. May mga pulis nang nagpapatrulya sakay ng mga armored van upang masiguradong wala nang maghahagis ng mga gamit na maaring makasakit ng ibang tao.

SOUTH AFRICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with