Ilang prinsipyo sa tagumpay sa buhay
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - December 29, 2019 - 12:00am

ILANG halaw lang ito mula sa isang life coach na si Flavian Mwasi na ibinahagi niya sa Quora Digest.

1. Ang pera ay hindi umaakit ng pera. Inaakit ng pera ang mga magnanakaw. Ang kahalagahan ay umaakit sa pera. Habang  mabilis kang nakakaagapay sa prinsipyong ito, mas mabilis kang nakakaangat sa buhay.

2. Ang sakit ay nagbubunsod sa tao na kumilos nang dalawang ulit kaysa sa kasiyahan. Kaya, mas dalawang ulit ang tsansa mong yumaman kung  magbibigay ka ng solusyon para maibsan ang sakit kaysa sa mga solusyong nagbibigay ng kasiyahan.

3. Huwag tutulug-tulog kung nagsisimula ka pa lang sa negosyo. Kailangan ng negosyo ng sarili nitong buhay bago ito makasulong at hayaan kang makapagpahinga. Kung magpapahinga ka bago pa man magsimulang lumakad ang negosyo, maagang mamamatay ang negosyo at maghihikahos ka sa pera.

4. Para magtagumpay bilang negosyante, magbigay ng serbisyo sa mga tao na makagiginhawa sa kanila at hindi ka naman magiging komportable. Magtutulak ito sa kanila na magdala ng pera sa iyong bulsa para magkaroon ka ng maginhawang buhay sa hinaharap.

5. Ang pagbagsak sa klase sa paaralan ay hindi tulad ng kabiguan sa buhay. Maraming tao na matataas ang grado sa klase ay mga good candidate para maging empleyado at bad candidate naman para sa mundo ng negosyo. Sa mundo ng negosyo, hindi maiiwasan ang kabiguan dahil marami kang susubukang bagay na magiging maganda.  Gayunman, kung patuloy kang susubok at mabibigo, isang araw ay susubok ka ng bagay na magtatagumpay.

6. Huwag hangaring magtagumpay. Hangaring maging isang tao na merong kahalagahan.  Sinusundan ng tagumpay ang kahalagahan.

8.  Ang tagumpay ay hindi bunga ng pera. Ang pera ay resulta ng tagumpay. Kasabay nito, ang kaligayahan ay hindi sumusunod sa tagumpay. Ang tagumpay ang sumusunod sa kaligayahan.

9. Ang tagumpay ay laging nananahan sa pinakadisiplinado at focused na tao. Hindi sa tamad.

10. Para maging lubhang matagumpay, mag-self study. Turuan ang sarili sa iba’t ibang bagay.

11. Ang sikreto ng tagumpay ay sa ugali. At ang susi sa tagumpay ay pagbabago sa iyong masasamang ugali. Ang masamang ugali ay nauuwi sa kabiguan, kalungkutan, at kamalasan. Ang magandang ugali ay nagbubunga ng tagumpay, kahusayan, kaligayahan at suwerte.

12. Huwag susuko hangga’t ipinupursige mo ang isang makabuluhang simulain. Pero bakit pag-aaksayahan ng mahalaga mong oras ang isang walang silbing simulain?

13. Ang matatagumpay na tao ay ang mga tao na tumatalo sa kabiguan, tinitiis ang hirap, nagtitiyaga, nagsisikap, pinangingibabawan ang hiya at sinasapawan ang kanilang self-ego.

14. Huwag maging makasarili. Kung maging matagumpay ka kahit sa pinakamaliit na mga bagay, tulungan ang iba na marating ang iyong kinaroroonan. Pasasalamatan ka nila at gagantihan ang kabutihan mo sa paraang hindi mo alam. Pagiging makasarili ang hindi pagtanaw ng utang na loob kahit sa maliliit na bagay na natanggap mo sa buhay. Ang pasasalamat sa kahit anong meron ka ay isang pagkilala sa iyong mga biyaya at nagdadagdag sa iyong kapasidad na tumanggap pa ng marami.

• • • • • •

Email: rbernardo2001@hotmail.com

 

 

 

BUHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with