Pinakamalaking Christmas tree sa mundo, matatagpuan sa isang bayan sa Italy
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - December 29, 2019 - 12:00am

HALOS tatlong dekada nang hawak ng Gubbio, isang maliit na bayan sa paanan ng Mount Ingino sa Italy, ang Guinness Record para sa world’s largest Christmas tree.

Noong 1981, inilatag ang 750-metrong Christmas tree sa tabi ng Mount Ingino at pinailawan sa kauna-unahang pagkakataon.

Taun-taon mula noon, tuwing sasapit ang Disyembre 7 (bisperas ng Immaculate Conception), pinapailawan ang 700 dambuhalang mga ilaw na bumubuo sa higanteng Christmas tree.

Simula sa petsa na iyon hanggang sa Enero 6 o Epiphany, nananatiling nakabukas ang mga ilaw ng Christmas tree.

Kinilala na ng Guinness Book of Records ang Christmas tree ng Mount Ingino na “world’s largest Christmas Tree” noon pang dekada ‘90  at hanggang ngayon, wala pa ring nakakahigit o nakakadikit man lang sa nasabing record.

 

CHRISTMAS TREE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with