Motorsiklo sa EDSA kukulungin ng barikada
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - December 27, 2019 - 12:00am

Eto na, baka may maganap na malaking pagbabago sa kahabaan ng EDSA sa susunod na taon.

Plano kasi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)na bakuran o barikadahan ang motorcyle lane dito. Layunin nito na maiwasan ang pagsingit at pagdaan sa kung saan-saang bahagi ng kalsada ng mga motorsiklo na sinasabing sangkot sa pinakamaraming aksidente sa lansangan.

Ang naturang plano ay napag-usapan na ng MMDA at ng DPWH at hinihintay na lamang dito eh pondo para tuluyang malagyan ng barikada ang motorcycle lane.

Aminado si MMDA EDSA traffic head Bong Nebrija na nahihirapan silang mapanatili sa motorcycle lane ang mga motorsiklo na nagbabalewala rito.

Dahil na rin ito sa kakulangan nila sa tauhan at hindi rin nagiging epektibo ang non-contact apprehension dahil marami pa sa mga motorsiklo ang hindi naiisyuhan ng plaka.

Kapag makakasingit-sisingit at sisingit ang mga pasaway na riders kahit labas sa kanilang lane.

Ito rin ang madalas na nagiging sanhi nang mabagal na pag-usad ng mga sasakyan.

Madalas din dahil sa pagsingit, nasasangkot sa mga sagian at aksidente kaya lalong nagkakatrapik.

Markang asul lamang ang nagdedetermina sa motorcycle lane pero madalas sinasakop ng mga ito ang iba pang lanes sa EDSA kasi nga singit nang singit.

Kung matutuloy, idinagdag ni Nebrija na naka-polar o may axis wires ang gagawin sa motorcycle lane kaya hindi maaaring makalabas -pasok ang mga motorsiklo.

Maging ang mga bangketa babarikadahan na rin dahil maging ito ay dinadaan ng mga motorsiklo kaya ang mga pedestrian ang bumababa sa kalsada para lamang may madaanan.

O klasik’di ba?

Baligtad na, ang motorsiklo sa bangketa, ang pedestrian sa kalsada.

Ang tanong, hindi naman kaya imbes na lumuwag eh lalo pang makapagpasikip sa EDSA ang mga barikada na ito?

Ito ang ating babantayan, sakaling tuluyan na itong ipatupad.

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with